MPDPC 1st Cup Award
Sa Linggo (Nobyembre 18) malalaman kung sino ang magaling na hinete na makakasungkit ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) 1st Cup Award. Ito ang kauna-unahang pakarera ng MPDPC na ipinagkaloob ng Philippine Racing Commission (Philracom) na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Ang proyektong ito ay aking inorganisa kasama ang MPDPC officials upang makalikom ng pondo para sa scholarship program ng mga anak ng mga miyembro. Bukod diyan, gagamitin din ito sa second medical mission na ang mabibiyayaan ay ang pamilya ng journalists, miyembro ng Manila Police District at apat na barangay na malapit sa MPD headquarters sa Ermita, Manila. Mayroon ding masustansiyang pagkain na ihahanda para sa feeding program ng mga kabataan.
Ang pakarera ng MPDPC ay isinabay sa Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Cup sa tulong nina Philracom Chairman Angel Castaño Jr., at Racing Director Comm. Jesus Cantos. Ito ang kauna-unahang press corps sa Metro Manila na nabigyan ng pakarera ni Castaño at maituturing na makasaysayan sa panunungkulan niya bilang chairman ng komisyon. Si Castaño ay dating chairman ng Board of Steward sa panahon ni Amb. Danding Cojuangco kaya kabisado na niya ang Philracom.
Sa panahon ni Castaño nanumbalik ang sigla ng pakarera ng bansa. Walang humpay niyang hinambalos ang mga ilegalista sa loob ng komisyon kaya tumaas ang kita at komisyon na mahalaga para maisulong ang programa ni P-Noy. Nawala ang game fixing mula nang kanyang pamunuan ang Philracom hindi tulad ng mga nagdaang administrasyon na namamayagpag sa tuwing may pakarera. Marami na ring hinete ang nasuspinde at nasibak nang mapatunayang nagbabangketa ang mga ito.
Kayong mahihilig magkarera, makatitiyak na kayo na wala nang hokus-pokus sa resulta. Siguradong tama ang dibidendong nakapaloob sa bawat karera. Sa Linggo, inaanyayahan ko kayong samahan kami sa aming proyekto upang ma-ging matagumpay. Kita kits tayo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite!
- Latest