Stem cell treatment
PINAG-UUSAPAN ngayon ang stem cell treatment. Ito ‘yung pag-injection ng healthy cells sa isang tao upang magamot ang kanyang sakit at upang mapanumbalik ang kalusugan ng kanyang katawan at vital organs. Ang ii-inject na healthy cells umano ay dumarami upang palitan ang damaged cells sa katawan.
Kaugnay nito, napagkuwentuhan namin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada si Dr. Wilson Gan, isang stem cell specialist, na nagdiwang ng kaarawan noong Nobyembre 6 at nagpapatayo ng bagong klinika sa Bgy. Laging Handa sa Quezon City upang maging mas accessible sa mga Pilipino ang modernong medical technology.
Ilang nakaranas ng problemang medikal na natulu-ngan ng stem cell procedure ni Dr. Gan ay sina Eduard Burgos (dating production manager ng mga pahayagang We Forum at Malaya), Bulacan Provincial Administrator Jim Valerio at ang negosyanteng si Ricardo Ventura ng Nueva Ecija.
Ibinahagi ni Dr. Gan ang positibong resulta ng medical study na kinomisyon ng US National Institutes of Health na tinalakay sa American Heart Association conference sa California at inilathala sa Journal of the American Medical Association. Subject ng study ang pag-injection ng stem cell sa mga heart attack patient upang mapalusog muli ang kanilang puso na nagka-cell/tissue damage.
Sa kasalukuyan, ang stem cell na ini-inject ay kinukuha sa malusog na parte ng katawan ng mismong pasyente, o kaya ay sa inunan ng bagong silang na sanggol, o sa hayop tulad ng tupa. Ito ay isasailalim sa pro cessing para magamit.
Base sa nasabing pag-aaral, ang stem cell ay puwede nang magmula sa ibang tao na nais mag-donate nito, at maaari na rin itong iproseso agad at iimbak upang magamit anumang oras ng sinumang mangangailangan nito. Ang naturang sistema umano ay tulad din ng pag-iimbak ng dugo sa blood bank.
Ayon kay Dr. Gan, dapat mapaunlad nang husto ang stem cell techno-logy bilang solusyon sa medical and health concerns ng mga tao.
- Latest