Pagpupugay sa Fil-Ams
KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at buong pamilya Estrada ay bumabati sa mga Filipino-Americans sa US. Kasabay ng muling pagkakapanalo ni US President Barack Obama ay nahalal din sa matataas na posisyon sa pamahalaan doon ang 16 Filipino-Americans.
Ang mga ito ay pinangunahan nina Rob Bonta at Robert Scott. Si Bonta ay nahalal sa State Assembly ng California; ito ang unang pagkakataon sa nakalipas na mahigit 160 taon na may nahalal na Fil-Am sa nasabing kapulungan. Si Scott naman, na kauna-unahang dugong Pinoy na naluklok sa US Congress, ay nahalal sa kanyang ika-11 termino bilang kinatawan ng Third District ng Virginia;
Base sa 2010 US census ay umaabot sa 3.5 milyon ang mga Pinoy na nakabase sa US.
Samantala, nagpupugay din ako sa Gawad Amerika Foundation sa pangunguna ng Founding Chairman and President nito na si Mr. Charles Simbulan. Ang foundation ay isang non-profit organization sa North Hollywood, California, ay nagbibigay ng socio-economic assistance sa mga Filipino-American partikular ang financial support sa mga estudyante, at mga trabaho at pabahay sa maraming indibidwal at pamilya. Pinararangalan din nila ang mga indibidwal na “may katangi-tanging achievement at serbisyo, at nagsisilbing inspirasyon para sa iba laluna sa mga kabataan.”
Kamakailan, ginawaran nila si Jinggoy ng Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang “personal success and remarkable achievements, and sincere dedication and commitment and being a good example for the Fili- pino people.”
Ayon kay Jinggoy: “I am deeply honored for this distinction. This definitely inspires me to work harder and do better for the Filipino people. I would also like to commend the organization for actively helping and looking after their kababayan in a foreign country. It just shows that bayanihan is very much alive in every Filipino, no matter where they are.”
- Latest