^

PSN Opinyon

Editoryal - Limang mamamahayag na ang tinumba ngayong 2012

Pilipino Star Ngayon

NADAGDAGAN  na naman ang pinatay na mamamahayag. Noong Huwebes ng umaga, binaril at napatay ng isang lalaking nakamotorsiklo ang broadcaster ng isang local radio station sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Patungo na umano sa dwJJ station si Julius Caesar Cauzo para sa kan­yang pang-umagang broadcast nang barilin ng lalaki. Nakasakay si Cauzo sa kanyang motorsiklo. Tatlong tama ng bala sa likod ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Naisugod pa siya sa ospital.

Naganap ang pamamaril kay Cauzo habang umiiral ang gunban sa lungsod dahil sa gagawing plebisito sa pagpapalit ng status ng Cabanatuan bilang highly urbanized city. Nangangapa pa ang pulisya sa nangyaring krimen pero nangakong lulutasin ang pagpatay kay Cauzo. Isang team na umano ang binuo para hanapin ang killer ng broadcaster. Nakapagtataka lang na paano nakalusot ang baril gayung dapat ay may mga checkpoint sa lugar. Ipinakikita rin bang hindi nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar ng krimen? Umano’y balewalang tumakas ang gunman. Kung may nagpapatrulyang pulis, maaaring nahuli ang killer ni Cauzo.

Ayon sa National Union of Journalist in the Philippines (NUJP), si Cauzo ang ikalimang mamamaha- yag na pinatay ngayong 2012 at ika-14 sa panahon ng panunungkulan ni President Noynoy Aquino. Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, 154 na mamamahayag na ang napapatay at kasama na rito si Cauzo.

Ang Pilipinas ang nangunguna sa mga bansa sa buong mundo na pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag. Dati ay Iraq ang nangunguna pero nasapawan na ng Pilipinas. Noong nanga-ngampanya pa si President Aquino, sinabi niyang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon ang paglutas sa mga pagpatay sa mga mamamahayag. Pero hanggang ngayon na dalawang taon na siya sa puwesto, wala pang nalulutas at patuloy pa ang mga pag-utas sa mga mamamahayag.

Hanggang ngayon, hindi pa nabibigyan ng hustisya ang karumal-dumal na pagpatay sa 30 mamamahayag na  minasaker kasama ang mara-ming sibilyan noong Nob. 23, 2009.

Kailan titigil ang pagpatay sa mga mamamahayag?

vuukle comment

ANG PILIPINAS

CABANATUAN CITY

CAUZO

JULIUS CAESAR CAUZO

MAMAMAHAYAG

NATIONAL UNION OF JOURNALIST

NOONG HUWEBES

NUEVA ECIJA

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with