Cerilles umupak kay Sec. Paje
TILA butas ng karayom ang daraanan ni DENR Sec. Ramon Paje sa pagsalang niyang muli sa Commission on Appointments kaugnay ng kanyang nabibiting kumpirmasyon.
Alam ba ninyo na nagtungo si Zamboanga del Sur Governor Antonio Cerilles sa Maynila para harangin sa CA ang kumpirmasyon kay Sec. Paje? Ang dahilan daw ay “incompetence” o kawalan ng kakayahan. Si Cerilles ay dating DENR Secretary noong panahon ni Presi- dente Joseph Estrada.
Matapos ang ilang ulit nang pagbasura sa appointment ni Paje, Isasalang na naman siya sa pagdinig ng Commission on Appointments.
Grabe naman. Bukod kay Cerilles, pati ang ilan niyang kasamahan sa gabinete ay sumasalungat sa kanya. Ngunit bakit galit si Cerilles kay Paje at tinawag na incompetent?
Kasi, bigo daw si Paje na aksiyunan ang kahilingan ni Cerilles para ayusin ang gusot ng isang mining community sa kanyang probinsiya, dulot ng maling pag-isyu ng “special permit” ng DENR sa isang “hao shiao” na kompanya para maka-mina ng ginto at iba pang mine-rals sa lugar.
Pinaboran umano ng DENR ang isang mining corporation na sinasabing suportado ng grupo ng “indigenous people” o katutubo. Pero ayon kay Cerilles, ang kompanya ay hindi binubuo ng indigenous groups. Ito raw ay 99% na pag-aari at kontrolado ng isang negosyante na si Manuel Go, isang Chinese-Filipino na naka-base sa Cebu at hindi sa Zamboanga del Sur.
Dahil dito, sinampahan ni Cerilles ng reklamo sa CA para hadlangan ang kanyang appointment. Binigyang diin ni Cerilles ang salitang “INCOMPETENCE” laban kay Paje. Wala raw itong kakayahan para pamunuan ang DENR.
Bukod sa reklamo ni Cerilles, nagpadala inireklamo rin ng concerned officers at members ng DENR Employees Union (DENREU) kina Senador Sergio Osmeña at Aquilino “Koko” Pimentel ang mga anomalya sa departamento sa ilalim ng pamumuno ni Paje.
- Latest
- Trending