^

PSN Opinyon

‘Mga modus sa lansangan’

BAHAL SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA papalapit na araw ng kapaskuhan, sari-saring modus ang muli na namang nagiging aktibo sa mga lansangan.

Dahil sa kakapusan sa pera, kapit sa patalim na isinasagawa ng mga dorobo ang panloloko at panlalamang sa kanilang kapwa.

Narito ang ilan sa mga modus sa mga daan na maaari mong maka-engkwentro sa iyong pakikisalamuha sa ibang tao.

Ang “Dura Gang” ay sindikato ng mga kawatan na nambibiktima ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Estilo ng mga kawatan ng “Dura Gang” ang duraan sa balikat ang kanilang biktima at sa sandaling malipat na dito ang atensiyon ng biktima, saka nila isasagawa ang kanilang pandurukot sa gamit o bag na dala ng kanilang biktima.

Hindi nalalayo ang estilo ng “Laglag Barya Gang” na pakay ay ibaling ang atensiyon ng target nilang biktima sa pamamagitan ng paglalaglag ng barya.

Kapag magmagandang-loob ang taong pulutin ang baryang ipinain sa kanya, dito na sinasamantala ng mga dorobo ang pagkakataon para dukutan ang bulsa o bag ng pobreng biktima.

Ang “Chess Gang” naman ay grupo ng mga kawatang nanggigipit ng mga usiserong nanonood o nakikipaglaro ng chess sa daan.

Isa pa sa mga nakilalang modus ng lansangan ay ang “Sampaguita Gang” at “Sinturon Gang”. Modus naman ng mga grupong ito na bentahan ng kanilang produkto ang mga bibiktimahin nila sa murang halaga.

Subalit kapag nahawakan na ng kostumer ang sampaguita o sinturon, ikagugulat na lamang niya na limang beses sa inalok na presyo ang ha­lagang sisingilin sa kanya.

Kaya naman babala ng BITAG sa lahat na maging alerto at huwag agad magpapaniwala sa sinumang estrangherong makaka­salamuha sa daan.

Dahil hindi mo nalalaman, baka ikaw na pala ang susunod na target na biktima ng mga kawatang miyembro ng mga modus sa lansangan.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

vuukle comment

CHESS GANG

DAHIL

DURA GANG

KALAW HILLS

LAGLAG BARYA GANG

QUEZON CITY

SAMPAGUITA GANG

SINTURON GANG

SYJUCO BLDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with