Human trafficking
SINUSURI ng United Nations (UN) ang usapin ng human trafficking sa Pilipinas. Sa human trafficking, kabilang dito ang pag-recruit, pagbiyahe, pagkupkop, pagkulong sa isang tao o grupo upang ibulid sa prostitusyon, forced labor, slavery at human organ trade.
Pinapunta sa bansa si UN Human Rights Council Special Rapporteur Joy Ngozi Ezeilo upang personal na alamin ang kalagayan ng mga naging biktima ng human trafficking, paano sila tinutulungan ng lipunan na makarekober sa dinanas at kung ano ang ginagawa ng pamahalaan upang masugpo ang human trafficking.
Sabi ni Ezeilo, “I hope to hear and learn views of trafficked persons and other stakeholders to ensure a human rights-based approach to combating trafficking in persons…I also look forward to discussing with the government and all relevant authorities the achievements and challenges in their efforts to combat all forms of human trafficking in the country.”
Una rito, lumabas sa US State Department annual Trafficking in Persons report na humigit-kumulang na 27-mil-yong tao sa buong mundo ang biktima ng trafficking. Iniulat naman ng International Labor Organization (ILO) na ang Pilipinas ay nagsisilbing “source, destination and transit country” sa human trafficking. Umaabot umano sa 200,000 Pilipino ang biktima ng human trafficking taun-taon.
Ipinupursige naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at iba pang mambabatas ang Senate Bill No. 2625 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act) na magpapalakas sa kampanya laban sa human trafficking.
Isinusulong din niya ang epektibong sistema sa pag-aresto at prosekusyon ng mga sangkot sa human trafficking at ang pagpapatupad nang public awareness campaign tungkol dito. Ayon kay Jinggoy, kailangang magtulong ang pamahalaan at mga sektor ng lipunan upang masugpo ang human trafficking.
* * *
Happy birthday: Candelaria, Quezon Mayor Bong Maliwanag (Nob. 5); San Jose del Monte Rep. Arturo Robes at Tagbilaran Bishop Leonardo Yuzon Medroso (Nob. 6).
- Latest