^

PSN Opinyon

Pulis ang kailangan

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAAARING malaking tulong ang mga surveillance     camera para  madaling matunton ang mga taong guma­gawa ng krimen pero inutil din ang mga ito kung walang presensya ang mga pulis.

Araw-araw ay napapanood natin sa mga balita sa telebisyon ang sari-saring krimen gaya ng holdapan at pagpatay na nakunan ng mga CCTV camera pero hindi nababawasan ang mga nangyayaring krimen.

Madalas pa nga ay malabo ang mga larawang kuha sa mga CCTV camera kaya hindi makilala ang mga kriminal.

 Gusto ni Senator Lito Lapid na gawing mandatory ang paglalagay ng mga surveillance cameras sa mga commercial establishments lalo pa’t napatunayan na nakakatulong ito para makilala ang mga gumagawa ng krimen. Okay din ang panukalang batas na iyan.

Ngunit wala nang uuna pa sa police visibility dahil mangingilag ang mga nagbabalak gumawa ng krimen. Kaya dapat ay kambal na hakbang ang ipatupad: Sapi-litang paglalagay ng mga CCTV camera at pagde-deploy ng mga pulis sa lahat ng sulok. Sa ganang akin. Police presence is the best deterrent to crime.  Maliban na lang kung ang mga pulis mismo ang gagawa ng krimen o kaya’y kasabwat sila ng mga kriminal.

  Sa Senate Bill 3306 na inihain ni Lapid na tatawaging “Surveillance Camera Act for Commercial Establishments”  sinabi ni Lapid  na nakakaalarma na ang pagdami ng krimen sa mga pribadong commercial establishments.

   Totoong ang lahat ng tao ay naaalarma. Pero napaka-bold and daring na ng mga kriminal. Kahit alam nilang possible silang makunan ng CCTV camera ay tuloy pa rin ang pagpapa-cute nila sa paggawa ng krimen. Alam kasi nila na kinukunan sila ng camera.

Malaking pondo ang kakailanganin kapag nagtalaga ng mas maraming pulis sa iba’t ibang dako. Pero marami namang pinagkakagastahan na hindi lubhang mahalaga. Bakit hindi pagtuunang pansin ang isyung pang-seguridad ng bansa?

 

CAMERA

COMMERCIAL ESTABLISHMENTS

KRIMEN

LAPID

PERO

SA SENATE BILL

SENATOR LITO LAPID

SURVEILLANCE CAMERA ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with