Huwag gamitin ang CCT sa pulitika
Pasko na naman! Este! Eleksyon na naman at heto na ang walang hanggang kampanya na lahat gagawin ng mga pulitiko upang suyuin ang mga botante. Maliban sa hatawan sa sayawan at kantahan pihong mamumudmod na naman ng kung anu-ano ang mga kandidato para makakuha lang ng boto.
At tiyak na gagamitin na naman ang ating mga mahihirap na mga kababayan upang maisakatuparan ng mga pulitiko ang kanilang mga pangarap.
Maglipana na naman ang slogan ng mga pulitiko na lahat ay nakatuon sa pagpabuti ng buhay ng ating mga kababayan. Tuwing eleksyon lang naman ang lahat ng pulitiko ay para sa mahirap ngunit sa mga ordinaryong araw ay itsa-puwera ang lahat.
At sana sa nalalapit na halalan ngayong May 2013 ay hindi magagamit ang Conditional Cash Transfer (CCT) program ng ating pamahalaan.
Siguruhin lang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi mapulitika ang CCT na mas kilala sa pangalang 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).
May kaunting problema nga lang hinggil sa CCT dahil hindi maganda ang naging assessment ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific at ng United Nations Office for Office Risk Reduction hinggil sa poverty reduction program ng Philippine government.
Bagsak ang naging marka nito dahil nga pumalpak ito sa pag-abot ng Millennium Development Goals (MDG) lalo na sa programa ukol sa eradicating extreme poverty, universal primary education, reducing children’s mortality and sustaining maternal health.
At dahil nga sa review ng United Nations, dapat na rin sigurong repasuhin ang CCT program ng Aquino administration.
Dapat tingnang muli kung paano ito maging mas epektibo at mas makabuluhan sa mga benificiaries nito at nang sa ganun ay hindi mapunta sa wala ang pera ng bayan.
- Latest