Masalimuot na debate
MUKHANG nagbabanggaan na naman si Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte at ang Commission on Human Rights(CHR), dahil sa kakaiba, at nakakatawang pabuya ni Duterte sa makahuhuli kay Rayan Cain Yu, na hinihinalang nasa likod ng mga carnapping sa Davao kamakailan. Dalawang milyong piso ang gantimpala sa makakahuli. Pero may padagdag pa ang kontrobersyal na pulitiko. Dodoblehin niya sa apat na milyong piso kung ang bangkay ni Yu ang dadalhin sa kanya! At eto pa! Dadagdagan pa ng isang milyon yung apat na milyon, kung ang pugot na ulo ni Yu ang dadalhin sa kanya, na dapat nakalagay sa dry ice para hindi raw mangamoy! Aminin ninyo, natawa rin kayo nang mabasa ninyo hindi ba?
Pero seryoso si Rodrigo Duterte. At para sa mga nakakakilala sa matagal nang mayor ng Davao City, kamay na bakal talaga ang estilo niya pagdating sa pagsugpo ng krimen. Sa kasong ito, hindi lang kamay na bakal kundi itak na matalim! At seryoso rin ang CHR sa kanilang batikos kay Duterte, dahil para sa CHR, paglabag sa karapatang pantao ang ginagawa ni Duterte sa paglabas ng pabuya. Lahat daw ng tao ay inosente hanggang sa mapatunayang may sala sa ilalim ng batas. Lahat daw ay dapat may pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa korte.
Pero ganito nga ang estilo ng pamamalakad ng kanyang siyudad si Duterte. At tunay nga na ang Davao City ang isa sa pinakaligtas na siyudad sa bansa. Takot ang mga kriminal kay Duterte. Pero ano ang pinagkaiba niyan sa isang shoot-to-kill na utos mula sa PNP, para sa isang notorious na kriminal? Kapag nakita ang pakay ng utos na iyon, siguradong babarilin na ng mga pulis. At hindi rin maitatanggi na ng estilo ni Duterte ay may naipapakitang resulta. Sigurado nagtatago na o lumikas na iyang Rayan Cain Yu mula sa Davao. Malaki ang posibilidad na titigil na ang carnapping sa Davao.
Masalimuot na debate talaga ang karapatan ng isang tao. Kailan nawawala ang karapatan na iyan, kapag
- Latest