The ‘right’ to smoke
SABI ni Sen. Ping Lacson imposible ang panukala ng ilang mambabatas na gawing illegal ang paninigarilyo.
Agree ako! Hindi pa man tayo isinisilang ay legal na ang sigarilyo at marami na ang naging sugapa. Kaya ang pagkaitan sila ng kanilang bisyo ay paglabag sa kanilang human rights. Isa raw si Senate President Juan Ponce Enrile sa mga nagpapanukalang gawing illegal ang sigarilyo para mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa sakit dulot ng pagyoyosi.
Sige, igalang natin ang karapatan ng mga smokers na dapuan ng cancer. That is their choice. Pero di dapat magwalang bahala ang gobyerno dahil may ibang paraan upang kusang tumigil sa ganyang bisyo ang mga kababayan natin.
Sa halip na ibawal, magandang panimulang hakbang ang pagtataas sa buwis na ipinapataw sa mga tinatawag na sin products gaya ng yosi at alak. Kaso, pinalabnaw nga ni Sen. Ralph Recto ang sin tax version ng Malacañang at naging mababa ang buwis na itinakda sa alak at sigarilyo.
Inakusahan tuloy siyang tumanggap ng payola sa mga cigarette manufacturers kaya hayun, nag-resign sa chairmanship ng Ways and Means Committee si Recto at ang pumalit sa kanya ay si Sen. Frank Drilon.
Dito na lang daw sa ating bansa mura ang yosi kaya pati mga high school students ay karaniwan ng makikitang naninigarilyo. Hindi lang mga lalaki kundi mga babae. Nakababahala iyan.
Lahat ng bansa ay nababahala kaya kahit saan ka magtungo, mahal ang sigarilyo. Sa Canada ay P500 ang halaga ng isang kaha ng sigarilyo na katumbas na ng isang buong rim dito sa atin.
Sana huwag magpatangay ang gobyerno sa pagla- lobby ng mga cigarette makers dahil kapakanan ng taumbayan ang nakataya riyan. Parami ng parami ang mga namamatay o dinadapuan ng cancer sa baga samantalang pabata nang pabata ang mga naninigarilyo.
Hindi sulit ang revenue na ibinibigay sa kabang-ba-yan ng industriya ng sigarilyo kumpara sa milyun-milyong nawiwindang ang kalusugan.
- Latest