^

PSN Opinyon

Pananaw sa sex (Reaksiyon sa kolum ni Jarius Bondoc)

DEAR EDITOR - The Philippine Star

Magandang araw po, Ginoong Jarius Bondoc.

Higit sanang magiging maganda at kapanipaniwala kung bago mag asawa ang lalaki at babae ay mga lehitimong mag-asawa ang tagapamagitan hindi sa kasalukuyang porma na mga relihiyon ang nagseseminar ukol sa family planning.

Isang panig lang po ang kanilang pinangangaral at yun ang aral ng Diyos ngunit kulang ang kanilang sandigan sa bibliya. Ayon sa inyong artikulo  noong Oktubre 12 ay pawang sa genesis sila sumasandal na humayo kayo at magparami na literal na ipinapaunawa na mag-anak sila nang mag-anak.

Subalit sa 2 Corinthian talata 16-18 kung di po namamali ang inyong lingkod ay sinasabi po na “Sinumang magulang ang di kumalinga ng kani kanyang supling ay higit pa sa walang pananampalataya sa akin”.

Samakatuwid po ayaw ng Panginoong Diyos na mag-anak ang mag-asawahan ng di nila kayang kalingain at higit na bawal na matapos ianak ay hahayaan na lang buhayin ng ibang tao (tulad ng pamamalimos sa kalye, child labor at iba pa).

Ang inyo pong lingkod, taliwas sa ipinangangaral ng mga pinuno ng relihiyon, aking sinasabi sa aking mag-aaral na sa matagal ng panahon ng aking pagtuturo na mag-anak kayo ayon sa kakayahan ninyong buhayin ng maayos hanggang sila ay makatapos ng pag-aaral upang kayo ay maging kalugod-lugod sa Diyos at inyong kapwa. Ito po ang responsible parenting.

God Bless!

Gumagalang,

PROF. ANTONIO D. ANTONIO

Rizal Technological University

Boni Avenue, Mandaluyong City, MM

[email protected]

AYON

BONI AVENUE

DIYOS

GINOONG JARIUS BONDOC

GOD BLESS

GUMAGALANG

MAG

MANDALUYONG CITY

PANGINOONG DIYOS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with