^

PSN Opinyon

Rep. Haresco kinana si Senator Osmeña

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

 MATINDING banat ang tirada ni Ang Kasangga party - list Rep. Teodorico Haresco matapos ang ilang buwan pananahimik nito laban sa mga upak ni Senator Serge Osmeña kaya naman last Monday afternoon ay nagtalumpati ang una sa harapan ng sangkatutak na kongresista sa plenaryo ng Kamara para ibulgar ang katotohanan tungkol sa pinuputok na butsi ni Serge regarding sa sinasabing maanomalyang Tulay ng Pangulo Program.

Kambiyo issue, siya nga pala si Haresco ay nagfile ng ‘Certificate of Candidacy’ the other week para tumakbo bilang kongresista sa Aklan.

Tuloy ang issue, sa ginawang privilage speech ni Rep. Haresco na may titulong ‘To Serge with Love,’ inupakan nito ng todo si Senator Osmeña dahil pinoprotektahan daw ng huli ang interes ng isang British supplier involved sa P10-billion padding daw sa bridge program.

Sa mga banat ni Haresco gustong ipabusisi nito sa Kamara ang umano’y multi-bilyong anomalya sa proyektong tulay ng gobyerno matapos mabuko na patuloy pa rin umanong nakakakuha ng mga malalaking kontrata, partikular sa “bridge program” ng gobyernong Aquino, ang isang dayuhang kontratista na una nang inirekomenda ng Commission on Audit na ilagay sa “blacklist.’

Sabi nga, patay .

 Sabi ni Haresco, papalit-palit lamang ang pangalan na ginagawa sa company ng  “Balfour Cleveland, UK,” dahil  muling nakasali sa multi-bilyong ‘President Bridge Program’ sa ilalim ng National Road Bridge Replacement Program ng Department of Public Works and Highways.

 Ayon kay Haresco, mas kilala ang company sa ‘Balfour Beatty’ nang unang magnegosyo sa Philippines my Philippines  at ginagamit na raw ngayon ng kumpanya ang pangalang ‘Cleveland Bridge UK, Ltd.,’ sa mga bagong transaksyon nito sa DPWH.

 Sa audit report ng COA para sa mga proyektong tulay ng pamahalaang Arroyo mula 2001 hanggang 2007, tinukoy ang Balfour bilang isa sa mga “worst supplier/contractor” sa ginawang pagrepaso sa may 102 ‘foreign-assisted projects.’

‘Kapos ang column ng Chief Kuwago’

Abangan.­­

SILG Mar Roxas pinagtatawanan ng mga gambling lord sa Baguio

TUWANG - tuwa sa galak ang grupo ni Patrick ‘pasiwen’ ang financer ng Dampa mini-casino dyan sa Legarda St., Baguio City, na nagpapasugal ng monte, baccarat, texas holdem poker at drop ball o pula’t-puti dahil ma­lakas daw ang padrino nila sa pulisya kaya hindi sila puedeng mahuli.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinararating nila kay Secretary Mar na hindi pa ipina­nganganak sa Baguio ang babangga sa grupo ni Patrick ‘pasiwen’ dahil matitindi ang padrino nito sa government of the Philippines my Philippines at ang ipinagmamalaki pa nila ang nakapatong na retired Chief Supt. ng PNP? Take note, Your Honor!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang 3-story building nakatirik ang mini-casino ni Patrick ‘pasiwen’ at alam ito ng mga sugarol sa Baguio basta sabihin lamang ang ‘Dampa.’

‘Naniniwala kami sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Secretary Mar dahil ang Dampa ay may ilang metro lamang ang layo sa station ng bus este mali pulisya pala.

‘Naku ha, bakit hindi mahuli?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Iyan ang sinasabi ng mga kamote dahil masiadong mabibigat ang mga padrino nito’ sagot ng kuwagong puntos.

Kung ganito pala ang mga niyayabang ng grupo ni Patrick­ ‘pasiwen’ malamang may paglagyan sila kay Mar.

‘Last Tuesday ng lumabas ang kolum ng Chief Kuwago hindi nakita ang anino ni Patrick ‘pasiwen’ sa kanyang mini-casino’ sabi ng kuwagong haliparot.

Abangan.

ABANGAN

ANG KASANGGA

CHIEF KUWAGO

DAMPA

HARESCO

LSQUO

SABI

SECRETARY MAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with