^

PSN Opinyon

Makitid na pananaw sa sex ng mag-asawa

SAPOL - Jarius Bondoc - The Philippine Star

GIIT ng mga obispong Katoliko na ang pagtatalik ng mag-asawa ay para lamang magkaanak, wala nang iba pa. Ito ang pangontra nila sa Reproductive Health Bill. Pero ani mambabasa Max Sucquit Jr., taliwas ang turo ng Bibliya.

Nililimita ng mga obispo ang opinyon nila sa Genesis 1:28, ani Sucquit. Anang bersikulo: “...At sa kanila’y sinabi ng Diyos, Kayo’y magpalaanakin, at magparami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin....” Batay dito umano dapat pagbubuntis ang pagtatalik. Pero paano kung may diperensiya ang esposo o menopausal na ang esposa, nagkakasala ba sila kung magtalik? Kung ang isagot ng mga obispo ay “oo,” ani Sucquit, may kinakaligtaan silang ibang bersikulo. Nariyan ang:

• Turo ni Solomon sa Proverbs 5:15-19: “Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan, at sa nagsisiagos sa iyong sariling balon... Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan ka ng katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pag-ibig.” Hindi ba’t merong 700 asawa at 300 babae si Solomon, isang sexually active na esposo, ika nga?

•Turo rin ni Pablo sa 1 Corinthians 7:3-5: “Ibigay ng lalaki sa asawa ang sa kanya’y nararapat: At gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: At gayon din naman ang lalaki ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa’t isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo’y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo’y magsama, baka kayo’y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANANG

ASAWA

BATAY

BIBLIYA

MAX SUCQUIT JR.

PERO

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SUCQUIT

TURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with