^

PSN Opinyon

Imported onions yari sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

TALAGANG sinusubukan ng mga sindikato sa Bureau of Customs ang kakayahan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kaya umangkat ang mga kamote ng imported onions para ipuslit palabas ng aduana.

Ang masama ay nasilat ito ng mga bataan ni Ruffy kaya lugi muli ang mga kamote ng P14 million worth ng smuggled onions from China.

Sabi ni Ruffy ang imported onions ay makakaapekto ng malaki sa local market at mga magsasaka na nagpapakahirap magtanim nito para lamang may makain pero ang masama aniya dahil nga sa imported ang sibuyas at walang taxes and duties na ibabayad dahil puslit tiyak bagsak presyo rito na ibebenta sa merkado.

Anim as in six 40-footer container vans ang nasungkit ng mga bataan ni Ruffy at naka-consigned sa RSG Marketing and Adier Enterprise Trading kaya hindi ito nakalabas sa MICP.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung wala si Ruffy sa Customs malamang nakatunganga ang magsasaka dahil tiyak walang humpay na aalagwa ang smuggling operations sa Philippines my Philippines.

Lagi nating sinasabing na masuwerte ngayon ang ating mga magsasaka sa bagong pamunuan ng BOC.

Sunod-sunod ang ginagawang paghuli ng mga ipinupuslit na mga shipment sa BOC tulad ng imported rice, sugar, onions, electronic gadgets at siempre ang pinakamalaking pera sa lahat ang illegal drugs.

Kaya naman walang masabi si P. Noy kay Ruffy sa pagkakatalaga niya rito dahil trabahong militar ang ginagawa nito sa bureau para ‘ituwid ang daan’ ng mga kamoteng employees dito.

SILG Mar Roxas, read this!

HINDI biro Secretary Roxas ang illegal gambling operations sa Baguio ngayon dahil hindi basta pipitsugin sugal ang nilalaro dito kundi ‘monte.’ Take note, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mabasa ng grupo ni Patrick ‘pasiwen’ ang upak ng mga kuwago ng ORA MISMO sa kanya last Tuesday ay hindi ito nagpunta sa kanyang sugalan dyan sa Dampa sa may Libertad St., Baguio City.

Bakit?

Nagtago muna at baka may mga magnguso sa kanya at makalaboso ito ng wala sa oras.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, Secretary Roxas P600,000 ang intelihensiya ng mga foolish cop sa Baguio a month para lamang sa monte ni Patrick ‘pasiwen.’

Kaya hindi ito masaling ng mga kamoteng authorities doon dahil sa laki ng perang pinaghahatian ng mga lagapot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat ipatawag o pulungin ni Secretary Roxas ang mga matataas na opisyal ng pulisya sa Baguio City para malaman niya personal kung sino si Patrick ‘pasiwen.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Secretary Roxas si Patrick ‘pasiwen’ ay batang sarado ng isang retired general ng pulisya kaya malakas ang loob na pasukin ang gambling operation dito.

Hindi lang montehan ang palaro ni Patrick ‘pasiwen’ sa Dampa kundi pati drop ball o pula’- puti, baccarat at poker ang pasugal niya sa kanilang inuupahan 3-story building dyan sa nasabing place.

Abangan.

AYON

BAGUIO CITY

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DAMPA

RUFFY

SABI

SECRETARY ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with