^

PSN Opinyon

Paano tayo sasaya? (Part 1)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

MAY tao bang ayaw maging masaya? Wala siguro. Lahat tayo ay naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Heto ang aking mga payo:

Magdesisyon na maging masaya – Mag-isip ng paraan at bagay-bagay na magpapasaya sa iyo. Sa plano mo, huwag din kakalimutan ang kasiyahan ng ibang tao, tulad ng iyong asawa at anak.

Gamitin ang iyong talento – Saan ka ba maga-ling? Marunong ka bang kumanta, sumayaw, magpinta, sumulat o magtalumpati? Hanapin at palakasin ang iyong talento. Ito ang magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at kasiyahan.

Maglaro – Makipaglaro sa mga bata. Gumawa ng oras para sa sports at magrelaks.

Bilangin ang biyaya sa buhay – Magpasalamat tayo sa Diyos sa lahat ng biyaya na binigay niya. Kahit maliit lang na biyaya ay okay na.

Mahalin ang sarili – Lahat ng tao ay nagkakamali. Kasali iyan sa buhay. Ayusin ang pagkakamali, hu-mingi ng tawad at kalimutan mo na ito. Ang mahalaga ay ang pagbabagong buhay at pagharap sa kinabukasan.

Tingnan ang ganda sa paligid – Nakita mo na ba ang pagsikat ng araw? Nalanghap mo ba ang simoy ng hangin? Narinig mo ba ang kanta ng mga ibon? Pagmasdan mo ang mga nakangiting tao. Ang kalikasan ay punumpuno ng saya.

Magrelaks – Kapag napagod ka sa trabaho, mag-relaks at maligo ng maligamgam na tubig. Pagkatapos, magbasa ng iyong paboritong magasin o komiks. Ma-ging abala din sa iyong hobby. Masaya ito.

Maging malapit sa kamag-anak at kaibigan – Ayon sa isang pagsusuri, ang pakikipag-usap sa isang matalik na kaibigan ng isang oras ay katumbas na ng pag-inom ng isang tabletang pain-reliever. Tanggal ang sakit mo sa katawan, tanggal din ang problema mo.

Maghanap ng positibong kaibigan – Humanap ng mga positibong tao, iyung palaging masaya at maganda ang pananaw sa buhay. Sila ang sikreto mo sa tagumpay. Kung suwerte sila, pati ikaw na rin ay susuwertihin. Kung sasama tayo sa negatibong tao, baka mahawa at makuha pa natin ang mga negatibong emosyon.

Tumulong sa kapwa – Ano ang pinakamagan-dang paraan para sumaya? Ang pagtulong sa kapwa. Ayon sa pagsusuri, tataas ang “endorphins” mo sa katawan. Ang endorphin ay isang kemikal na nagpapalakas ng ating katawan at nagpapasaya sa atin.

Kaya kaibigan, huwag nang malungkot. Maging masaya ka. Sa susunod, mayroon pa akong dagdag na payo para sa iyo.

ANO

AYON

AYUSIN

BILANGIN

DIYOS

GAMITIN

GUMAWA

HANAPIN

LAHAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with