^

PSN Opinyon

Ang Dampa ni Patrick 'pasiwen' sa Baguio

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

Hawak pala ng isang retired general na may kaso sa Ombudsman ang mga illegal gambling sa Baguio kaya pala hindi ito magalaw ng pulisya dito?

Naku ha!

Totoo kaya ito? Paging SILG Mar Roxas, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaka-tired este mali retired pala sa puesto ni general kaya may asim at ginagalang pa ito ng mga autoridad kaya pinababayaan ang puesto ni Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat, isang gambling lord na may pinakamalaking pasugalan sa ‘Dampa’ dyan sa may Legarda St., Baguio City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal ng nag-ooperate ang mini-casino na nakatirik sa three floor building na inuupahan ng grupo para gawin sugalan ni Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat sa Dampa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi mahuli ang montehan, drop ball o pula’t puti at Texas Holdem poker operations ni Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat sa Dampa dahil matindi ang intelihensiya sa grupo ng foolish cop na nakatangyod dito.

Sabi nga, everybody happy!

Ika nga, hindi nagbubukulan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nilagyan pa ng grupo ni Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat ng beerhouse ang kanyang puesto para habang nagre-relax ang mga sugarol ay patoma-toma sila para masolo nila ang dalang salapi ng mga manunugal sa inupahan gusali.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P600,000 ang ‘intelihensiya’ sa montehan ang ‘tara’ ng mga foolish cop sa sugalan ni Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat na nilalagum up to Crame? Hindi pa daw kasama dito ang ‘lagay’ sa ‘drop ball’ o pula’t - puti at texas holdem poker.

Ano kaya ang masasabi dito ni CPNP Nicanor Bartolome?

‘Sir, pa-retiro ka na hindi mo pa ba alam ito?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ano kaya ang masasabi ng PNP-Baguio CIDG, Baguio Intelligence at regional intelligence group baka tamaan kayo ng ‘one strike policy’ ni Roxas kapag nagkataon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang typical Igorot si Patrick ‘pasiwen’ o Boss Pat at madali itong makilala dahil maganda ang kanyang Ford Expedition na sasakyan. Hehehe!

‘Bakit alyas Patrick ‘pasiwen’ ang tawag kay Boss Pat?’

Abangan at ang sugalan sa Buguias at Trinidad! 

Rating ni Biazon sa BOC very good

Kung kurap ang puno siguradong kurap din ang bunga dahil matino si BOC Commissioner Ruffy Biazon kaya unti-unting tumitino at nag-lie low sa kagaguhan ang mga kamote sa Bureau of Customs.

Tumaas ang rating ng sinasabing pinakakurap na ahensiya ng gobierno sa Philippines my Philippines dahil nakakuha ito ng magandang ‘score’ mula sa pinagkakatiwalaan Social Weather Station.

Sangkaterba ang humanga kay Ruffy dahil hindi makalusot ang grupo ng international drug syndicate kahit na gumagamit sila ng iba’t ibang nationals para maipasok ang droga sa Philippines my Philippines.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hindi nagbitiw si Ruffy sa puesto kahit na itinutulak ito ni P. Noy na tumakbo bilang Senador.

Mas gusto ni Ruffy na ayusin muna ang bureau bago siya umalis dito dahil alam ng madlang public na napakaraming ahas sa BOC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ipabusisi ni Ruffy ang mga kaso ng kanyang empleado hindi lang sa DOJ kundi maging sa Office of the Ombudsman para maaksyunan na ito dahil inupuan na ang mga case problem ng mga empleado na sangkot sa katiwalian dito.

Ika nga, BOC muna ang linisin bago ang ibang bakuran.

Abangan.

AYON

BOSS PAT

DAHIL

DAMPA

KUWAGO

LSQUO

RUFFY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with