Mga katotohanan sa RH bill (Ika-2 bahagi)
Hindi ba sinasabi ng mga sponsor at taga-suporta ng RH bill na hindi nito pinapayagan ang aborsyon at manapa’y pinipigilan ito?
Ang pahayag na ito ay pinabubulaanan ng mga probisyon ng RH Bill na pinahihintulutan ang pagkakaloob sa pangkalahatan nang maraming uri ng kontraseptibo na nagiging dahilan ng aborsyon at pinatutunayang medikal ng dokumentadong pagsasaliksik. Gayundin, mismong ang World Health Organization (WHO) ay nadiskubreng may mga kontraseptibo na nagiging dahilan ng kanser at iba pang malalang sakit. At kahit na hindi sila direktang nagi-ging dahilan ng aborsyon, ang kontrasepsiyon ay patungo na rin sa aborsyon sapagkat “samantalang sinasabi na ang paggamit ng kontraseptibo ay mahalaga sa pagtatalik, ang anak na nabuo ay isang problema na kinakailangang iwasan”. Ang ganitong pananaw ay lumalawig sa mga ina, kaya ang mga batang ito’y tinuturing na “kumpol ng tisyu” na maaaring tanggalin kung kailan magustuhan ng nagdadalantao at ng kanilang doktor. Napakadali na ang pamaraan ng pagpipigil ng pagbubuntis ay tumungo sa pagsira sa nabuo nang “itlog”. (Contraceptive practice moves all too easily from preventing conception to destroying ferti-lized ova.” - Dr. Les Hemingway, M.B., B.S., “Contraception and Common Sense”).
Ang pinipigil lamang ng RH bill ay ang makaluma, hindi ligtas at mapanganib na paraan ng pagtatanggal ng
bata sa sinapupunan ng ina sa pamamagitan nang higit na ligtas na pagsasagawa nito gamit ang kontraseptibo.
Ito ang tunay na kahu- lugan ng reproductive health. Pinatotohanan ng WHO na nagdeklarang “ang restriksyon sa aborsyon ay magpapababa sa karapatan ng kababaihan upang magdesisyon at magpapatagal sa kanilang paghahanap ng kinakailangang pangangalaga sa pagbubuntis at ilagay sa panganib ang kanilang kalusugan at kalayaan”. Ito’y tahasang pinatutunayan sa Amerika, ang lumikha ng RH bill, kung saan 500 milyong bata ang napatay sa pamamagitan ng aborsyon simula nang maging batas ang Roe vs. Wade.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending