^

PSN Opinyon

'Kapayapaan o kidnapping?'

DURIAN SHAKE - The Philippine Star

Habang abala sa patuloy na peace negotiation ang government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) panels sa Kuala Lumpur, Malaysia, nagpalabas naman ng babala si Brig. Gen. Gilberto Jose Roa, chairman ng   Coordinating  Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) ng ating pamahalaan, sa lahat ng foreign nationals at maging ang mga workers ng international non-government organizations ukol sa mga threat ng kidnapping sa Central Mindanao.

Sinasabing malapit nang makamtan ang isang peace agreement sa pagitan ng dalawang panig ngunit heto naman ang reports ng 6th Infantry Division na nagsasaad tungkol sa planong pangingidnap umano ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa foreign nationals.

Ayon kay Roa, gustong isabotahe ng BIFF ang peace process sa pamamagitan ng kidnapping.

Kaya nga pinayuhan ng CCCH ang peace panels at ma­ging ang mga iba’t ibang embahada at mga international NGOs sa nasabing plano ng BIFF.

Ang naging advisory ng CCCH ay huwag munang papuntahin ang mga dayuhang NGO workers sa mga conflict-affected areas hangga’t hindi pa nawawala ang nasabing banta ng BIFF.

Pihong maaantala na naman ang peace process dahil sa babala ng CCCH. Paano nga bang makakamtan ang isang peace pact kung patuloy naman ang banta ng kidnapping?

Ngunit higit pa sa issue ng kidnapping. Malabo pa ring makamtan ang isang final peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.

Dahil nga ano pa bang concessions ang maibibigay ng government panel sa MILF gayong naibigay na nito lahat sa Moro National Liberation Front (MNLF) nang pinirmahan nito ang final peace accord noong September 2, 1996?

Ang ibig sabihin nito kailangang makipagnegosasyon uli ang pamahalaan sa MNLF upang gawin ang necessary amendments to the 1996 agreement upang maipasatupad ang panibagong agreement sa MILF.

Mahabang proseso pa ang pakikipag-usap uli sa MNLF na ngayon ay watak-watak na rin.

Ang mga katagang “peace is within reach”, “peace is near’’, “soon there will be peace” ay paulit-ulit nang sinabi kahit noon pang rehimen ni dating President Gloria Arroyo. Ngunit hanggang ngayon, nananatiling mahirap maabot ang kapayapaang iyon.

Magpakatotoo lang.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CENTRAL MINDANAO

CESSATION OF HOSTILITIES

GILBERTO JOSE ROA

INFANTRY DIVISION

KUALA LUMPUR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with