Ang kahusayan ni Sr. Insp. De Ocampo
Kadalasan ang magagandang accomplishment ni Senior Insp. Joselito De Ocampo ay nababahiran ng pag-aalinlangan ng ilang kababayan. Katulad na lamang sa pagkamatay ni Gong Shu Yang noong February 4, 2012 nang mang-agaw ng baril sa police escort sa loob ng mobile ng homicide matapos na mai-inquest sa Manila Fiscal’s Office. Lumalabas na sinadya ni Gong Shu Yang na agawin ang baril ng kanyang police escort at ipinutok sa kanyang sintido. Nalagay sa masusing imbestigasyon ang mga police na nag-inquest at maging si De Ocampo ay hindi nakalusot sa pag-iimbestiga. Ngunit nalusutan nila ito dahil nagpakamatay nga si Gong Shu Yang.
Nagalit si Manila mayor Alfredo Lim nang mapanood sa CCTV ang footage na ipinagkaloob ng Central Bank nang patayin ni Gong Shu Yang ang kanyang girlfriend na si Zhao Chu Lan sa service Road ng Roxas Boulevard, Malate, Manila noong January 14, 2012. Kalunus-lunos ang pagpatay ni Gong Shu Yang sa kanyang girlfriend na matapos sagasaan ay sinaksak at muling sinagasaan nang paatras.
Sa isa pang insidenteng nangyari, napatay ang dalawang rape slay suspect na sina Cecilio Bacolo Jr, alias “June-June” at Roderick Soliveres sa loob ng Homicide Division Office noong March 13, 2012 nang agawin ang baril ng isang pulis. Ang dalawa ang gumahasa’t pumatay kay Ernieca Abando noong March 9, 2012 sa isang bahay sa Sta Mesa, Manila. Magdamag na tinrabaho nina De Ocampo ang kaso.
Subok na ang kasipagan at katapangan ni De Ocam-po. Siya mismo ang nangunguna sa follow-up operation para malutas at mapanagot ang mga criminal. Sabi ni De Ocampo, “Walang humpay na trabaho ang aming ginagawa upang mabigyan ng hustisya ang mga naapi”. Sa ngayon wala nang nakaburong kaso sa kanyang opisina dahil mahigpit si De Ocampo sa kanyang tauhan. Mahigpit ang kanyang kautusan na bago umuwi ang kanyang mga imbestigador, siguraduhing tapos na ang mga papeles at nai-inquest na sa piskalya. Ngunit ngayon mukhang nag-iba ang ihip ng hangin dahil mahigpit na naman ang kautusan ni NCRPO chief Director Leonardo Espina sa pagproseso ng imbestigasyon sa krimen. Pinagbawalan na kasi ni Espina na interbyuhin ng mga reporter ang mga imbestigador kaya maging si De Ocampo ay naiipit sa mediamen. Alam ko. Kaya itong lutasin ni De Ocampo sa darating na panahon. Abangan!
- Latest
- Trending