Maipagmamalaki ka, Sr. Insp. Joselito de Ocampo
MUKHANG hindi nagkamali si Manila Police District director Chief Supt. Alejando Gutierrez sa pagtalaga kay Sr. Insp. Joselito de Ocampo na pamunuan ang Homicide Division. Mantakin n’yo mga suki, sa loob lamang ng halos isang taon nito sa naturang departamento ay nagresulta na ito ng sangkaterbang accomplishment sa Manila’s Finest.
Noong September 12, 2011 ay naitalaga si De Ocampo na hepe ng MPD-Homicide Division. Batikang crime investigator at matagal nang pulis-Maynila si De Ocampo na iginapang ang sarili sa pag-aaral. Maraming training na pinagdaanan hanggang sa maabot ang ranggong Senior Inspector kaya naman napagkatiwalaan siya ni Gutierrez na naaayon sa panlasa ni Manila mayor Alfredo Lim.
Dahil sa kanyang kasipagan maraming kriminal ang naipasok sa Manila City Jail. Kabilang dito ang paglambat sa kilabot na “Martilyo Gang” na nanloob sa isang jewelry store sa Claro M. Recto noong October 6, 2011 kung saan napatay ang dalawang tao at ikinasugat ng anim pa. Sa matiyagang pagsusubaybay natumbok ng grupo ni De Ocampo ang pinagkukutaan ng mga salarin na sina Muktar Agao, Abuber Abdul Kadir, Mark Kalama, Ben Panday, Sadam Mato, Morodin Singua at Pascual Abas sa Taguig City noong October 13, 2011 ilang araw matapos ang panghoholdap.
Hindi biro ang ginawang paglusob nina De Ocampo sa kuta ng “Martilyo Gang” kasama sina Insp. Ismael Dela Cruz, SPO4 Elmer Manalang, SPO4 Eduardo Martinez, SPO2 Joseph Pua, SPO2 Milbert Balingan, SPO1 Jonathan Moreno, SPO1 Charles Duran, SPO1 Castor Tiglao, PO3 Jobels Caoile, PO2 Jupiter Tajanera, PO2 Herninio Caligagan at PO2 Roderick Pacilan.
Ang pinagkukutaan ng mga suspect ay napapaligiran ng Muslim communities. Ngunit matalino si De Ocampo dahil bago sila pumasok sa lugar, kinapa muna niya at nakipag-coordinate sa Sou thern Police District upang mabigyan sila ng tamang giya.
Nagtagumpay ang ope rasyon at nabitbit nilang lahat ang suspects sa MPD headquarters. Ang kahusayan nina De Ocampo ay hindi nalingid kay Mayor Lim kaya binigyan sila ng pagkilala sa nagawang kagitingan.
Marami pa akong isasalaysay ukol sa kahusa-yan, kasipagan at kagitingan ni Senior Insp. Joselito de Ocampo.
Abangan!
- Latest
- Trending