^

PSN Opinyon

Pananakot sa reporter

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

NAIS kong bigyang daan ang isang pahayag ng Natio-nal Press Club of the Philippines hinggil sa umano’y pananakot ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD sa isang reporter ng tabloid.

Ayon kay NPC President Benny Antiporda, sumulat ng artikulo ang naturang reporter ng pahayagang Remate na si Lily Reyes na kumukuwestyon sa promotion ng naturang opisyal, bagay na ikinagalit daw ng huli. Sinabi umano ng naturang opisyal sa reporter na “Kung gusto mong humaba ang buhay mo, kaibiganin mo ako.”

Hindi ako aaktong hukom para sentensyahan ang chief of personnel ng MPD na si Police Supt. Santiago Pascual pero ang ganyang kaseryosong reklamo ay dapat siyasatin at dapat managot ang mapapatuna-yang may sala.

Sabi nga ni Antiporda, sa kapakanan din ng buong PNP na umaksyon ng mabilis sa ganitong reklamo. Kaya nakikiisa tayo sa panawagan kay NCR Director Chief Supt. Espina na aksyonan agad ang reklamong ito.

Pinuna ni Reyes sa kanyang kolum ang kuwestyonableng promosyon ng naturang opisyal dahil may policy ang PNP na ang sino mang may nakabinbing kaso, administratibo man o kriminal ay hindi puwedeng i-promote hangga’t di nareresolba ang kaso.

 “While the NPC is reaching out with the leadership of the PNP for more vigilance in stemming the tide of media killings and harassment especially those coming from the ranks of our law enforcement units, officers like Supt. Pascual appears serious in destroying the gains that both sides have achieved so far,” ani Antiporda.

Sa panahong gumagawa ng hakbang ang PNP upang repormahin ang or-g­anisasyon, dapat din naman na mabilis na kumilos ito sa bawat reklamong tinatanggap laban sa kanino mang opisyal o tauhan ng pulisya.

Magandang pasimula na ang pagsibak sa mga tinatawag na “kotong cops” dahil nakikita natin na seryoso ang pulisya na maibalik ang tiwala ng taumbayan sa mga alagad ng batas.

ANTIPORDA

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

ESPINA

LILY REYES

MANILA POLICE DISTRICT

POLICE SUPT

PRESIDENT BENNY ANTIPORDA

PRESS CLUB OF THE PHILIPPINES

SANTIAGO PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with