Pinoy wala ba talagang pakialam sa Panatag?
Mahirap arukin kung bakit sinabi umano ni Sen. Antonio Trillanes na walang pakialam ang mga Pilipino sa mga kaganapan sa Panatag Shoal. Ano ang naging batayan niya sa pagbitaw ng gan’ung pananalita kay Ambassador Sonia Brady nu’ng Agosto?
Rason kaya ni Trillanes ng “kawalan ng pakialam” ang media news and commentary? Maaalala na nagkaroon ng standoff nu’ng Abril ang China at Pilipinas sa shoal, 135 nautical miles mula Masinloc, Zambales, pero 700 miles mula sa Hainan, pinaka-malapit na probinsiya ng China. Ito’y matapos sitahin ng Philippine Navy ang pitong Chinese poaching launches na ilegal na nag-aani ng bawal na pawikan, kabibe, at corals. Anang China, sa kanila ang Panatag noon pang sinaunang panahon. Sinalungat ito na ‘yun ay Bajo de Masinloc, pahingahan ng mga mangingisdang Pilipino.
Ipinaliwanag ito nang husto sa mga pahayagan. At nagbunsod ang print coverage ng maraming diskusyon sa broadcast, paaralan, at civic groups. Iba’t ibang pananaw ang lumitaw: Merong nag-uudyok na ilahok ng Pilipinas ang America sa laban sa China, at meron din nagbabalang huwag galitin ng Pilipinas ang higanteng bansa. Ang nanaig na pananaw ay ang mahinahon na pakikipag-usap ng Pilipinas sa China, habang idinedemanda ito sa International Tribunal on the Law of the Sea.
Hindi pa ba ‘yun sapat na senyales kay Trillanes na seryosong isyu ang Panatag Shoal para sa mga Pilipino? Kung hindi man nagsisigaw ang mga nakarara-ming ordinaryong Pilipino ay dahil ipinauubaya nila sa gobyerno ang solusyon. Ito’y dahil tiwala sila sa mga eksperto, hindi sa mga bagito.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending