^

PSN Opinyon

Schooling discounts sa senior citizens

SAPOL - Jarius Bondoc - The Philippine Star

MARAMING senior citizens na ayaw sumuko sa sakit at katandaan. Imbis na magretiro sa edad-60, naghahanap sila ng ibang magagawa sa buhay -- para kumita, mali­bang, at makatulong sa lipunan. Meron akong kilalang seniors ay nagko-call center agent, nagtuturo sa school, nagpi-physical therapist, gumagamot at nagte-train ng hayop, at nagde-design ng alahas.

Para mahasa sila sa mga bagong career, kaila-ngan mag-aral muli ng kurso sa kolehiyo o vocational. Kaya sa Republic Act 9257, na nag-amyenda sa R.A. 7432, binibigyan sila ng ilang pribilehiyo sa pagbabalik-schooling. Anang Section 4-g, dapat pagkalooban sila ng educational assistance sa college, post-graduate, vocational at technical courses, bukod sa short-term training, sa mga paaralang pribado o publiko, sa pamamagitan ng scholarships, grants, financial aid, at tulong sa libro, learning materials, uniporme, sa kondisyong pasado sila sa admission requirements.

Pero hanggang sa salita lang ang batas. Palpak sa gawa. Mabibilang sa daliri ng kamay ang mga lungsod at probinsiya, at sa paa ang mga institusyon na tumutulong sa edukasyon ng seniors. Nagtuturuan sila kung sino ang may responsibilidad: City o provincial capitol sa pamamagitan ng subsidiya, o paaralan sa pamamagitan ng discounts sa tuition at iba pang singilin.

Hindi dapat magturuan. Malinaw ang pakay at patakaran ng batas sa senior citizens. Ito’y ang pagkilala ng pamilya, komunidad at gobyerno sa karapatan nila; pagsulong ng kanilang katiwasayan; paglahok nila sa kaunlaran; pag-aruga at pagkalinga; at pagtulong ng pribadong sektor sa kanilang kapakanan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANANG SECTION

IMBIS

KAYA

MABIBILANG

MAKINIG

MALINAW

MERON

NAGTUTURUAN

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with