^

PSN Opinyon

'May scoliosis kaya ako?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - The Philippine Star

“Dr. Elicaño, magandang araw po. Ano po ba ang mga sintomas ng scoliosis? Kasi po pakiramdam ko ay nakukurba ang aking likod. Ano ba ang dahilan at nagkakaroon ng ganitong sakit?” — MARITES LINGON, Imus, Cavite

Ang scoliosis ay ang curvature ng gulugod (spine). Kapag titingnan, para itong letter “S”. Walang sintomas ang scoliosis maliban na lamang kung halatang-halata ang pagkakurba ng spine. Kapag ang abnormal na curvature ay nadedebelop, unang mapapansin ng pasyente ay nahihirapan siyang magsuot ng damit, hindi pantay ang kanyang mga balikat. Kapag malala na ang scoliosis, nagkakaroon ng deformity ang tadyang at lumiliit ang lung capacity.

Ang mga posibleng dahilan ng scoliosis ay: 1) congenital deformities ng vertebrae o buto sa gulugod; 2) neurofibromatosis, isang sakit sa nervous system; 3) pagkakaroon ng polio; 4) muscular dystrophy, ang muscles ng spine ay paralisado o mahina; at 5) hindi pantay na haba ng mga legs.

Ang pinaka-common na scoliosis ay ang tinatawag    na “idiopathic”. Walang masabing dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong uri ng scoliosis. Ito ay tumatama sa mga adolescence at karaniwang mga kababaihan ang nagkakaroon. Kapag ang uri na ito ay tumama, kailangan ang specific exercises para mapalakas ang muscles sa likod. Nararapat lagyan ng brace at plaster casts ang likod upang maiwasan ang grabeng deformity. Kapag grabe ang curvature, operasyon ang kailangan.

Kapag maagang na-detect ang scoliosis maaagapan ito. Dapat magkaroon ng early detection program sa mga school para ma-screen ang mga estudyante.

ANO

CAVITE

DAPAT

DR. ELICA

KAPAG

KASI

SCOLIOSIS

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with