Bagong MPDPC
PINASINAYAAN kahapon ang bagong renovated na Manila Police District Press Corps (MPDPC) na binasbasan ni MPD Chaplain Chief Insp. Victorino Belangdal. Maaga pa lang ay excited na si MPD director Chief Supt. Alejandro Gutierrez na makadaupang-palad ang mga opisyales at miyembro ng MPDPC matapos makitang maayos na ito at hi-tech. Hindi lamang si Gutierrez ang napa-wow sa aming opisina dahil maging itong si DDO Sr. Supt. Robert Po ay namangha sa kanyang napasukan dahil mabango na ito at maaliwalas. Kaya ang sabi ko sa kanila “Kapag ang lahat ay sama-sama at tulong-tulong tiyak na magiging matagumpay ang proyekto”.
Dumating din si dating Manila mayor Mel Lopez at nakisalamuha sa aming tropa. Dumalo rin ang mga sugo ni Manila mayor Alfredo Lim na sina City administrator Jay Marzan, dating Supt. Franklin Gacutan na ngayon ay hepe ng Manila City Hall Action at Senior Insp. Rolando Lorenzo ng City Hall Public Assistance. Dumalo rin si Keneth Andrade ng National Park Development Committee at Wheng Curtez ng Port Area, Manila. Siyempre hindi pahuhuli si Chief Insp. Erwin Margarejo, Public Information Office chief ng MPD na nagbibigay ng mga police report na may kaugnayan sa aktibidades ng MPD.
Maging si Supt. Remegio Sedanto at Supt. Alex Navarrete ay kabilang din sa aming mga panauhin. Maging si Insp. Wilfredo Dematera ng Warrant Section ay naroon din. Ang buong okasyon ay nabalot ng kasiyahan at mabuting pagsasamahan ng mga media personalities na regular na nagko-cover ng MPD at mga opisyales ng PNP at maging ng Manila City Hall.
Nakakataba naman ng puso na kahit abala ang mga nabanggit kong panauhin ay napagbigyan kami ng oras na maipakita sa kanila ang aming kakayahan sa pagpapaayos ng opisina at pagiging hi-tech. Kaya maging si NPC president Benny Antiporda ay sinuportahan kami sa aming proyekto at nangakong susuportahan pa niya ang aming grupo upang lalong mapaunlad. Lalo pang humanga si Antiporda nang makita ang gallery of president na naka-display sa aming opisina dahil ayon sa kanya hindi ito napapagtuunan ng pansin ng ilang press corps.
- Latest
- Trending