Dagdag pang payo ng isang edad-101
Katuluyan mula Biyernes: Panayam ni Judit Kawa-guchi, Japan Times. Tungkol kay Dr. Shigeaki Hinohara ng Japan, mag-e-edad-101, pinakamahabang nagsisilbing physician sa mundo. chairman ng St. Luke’s International Hospital at St. Luke’s College of Nursing, Tokyo.
Nu’ng nakaraan, apat na payo niya para sa long life ang nilista ko: (1) Magsaya, huwag maghigpit sa oras ng kain o tulog; (2) Simpleng kain lang; huwag bundat; (3) Planuhin ang trabaho; at (4) Huwag mag-retiro.
Pito pang payo ni Dr. Hinohara para sa mahabang buhay:
(5) Ikalat ang kaalaman. Mahigit 150 ang lectures ko kada taon, kasama ang sa elementary school pupils at business conventions. Sa pagtalumpati nakatayo ako nang 60-90 minuto, para manatiling masigla. Isingit ko lang, kung sabihin ng doktor na kailangan mong ma-operahan, tanungin mo kung gagawin niya ‘yun sa sariling anak o asawa. Taliwas sa paniwala ng marami, hindi kaya gamutin ng doktor lahat. Mas maraming nagagamot sa musika at pag-aalaga ng hayop. Maghagdan imbis elevator; buhatin ang sariling gamit.
(6) Inspirasyon ko ang tula na “Abt Vogler” ni Robert Browning. Binasa ito ng tatay ko sa akin. Inudyukan ako na mag-isip nang malaki, gumuhit nang napaka-laking circle na hindi ko matatapos sa buhay ko.
(7) Misteryoso ang hapdi. Kasayahan ang pampalimot dito, Kung masakit ang ngipin ng bata, nililibang mo sa paglalaro.
(8) Huwag malulong sa materyal. ‘Di mo alam kung oras mo na.
(9) Hindi magagamot ng agham lahat ng sakit; indibidwal ito.
(10) Pumili ng role mo-del, at higitan ang nagawa niya.
(11) Masarap magtra-baho para sa pamilya—hanggang edad-60. Pagkatapos nu’n, magtrabaho nang kasing-sipag -- para sa iba.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending