^

PSN Opinyon

Paano iiwas sa diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

MARAMING Pilipino ngayon ang nagkakaroon ng dia­betes. Ito ang sakit kung saan tumataas ang blood sugar sa dugo at posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa puso, mata, bato at paa.

Ayon sa malaking pagsusuri ng National Heart, Lung, and Blood Institute sa Maryland, USA, may limang paraan para makaiwas sa diabetes:

1. Huwag magpataba. Subukan abutin ang iyong tamang timbang.

2. Huwag manigarilyo.

3. Maging aktibo at mag-ehersisyo.

4. Umiwas o limitahan ang pag-inom ng alak.

5. Piliin ang mga masustansyang pagkain.

Ayon kay Dr. Jared Reis, ang awtor ng pagsusuri, ang pagiging mataba at pagkain ng maling pagkain ang pa­ngunahing sanhi ng pagkakaroon ng diabetes.

Ano ang bawal kainin o inumin?

Piliin ang mga ito:                 Limitahan o iwasan ang mga ito:

Tubig na malinis                   Soft drinks at Energy drinks

 (bottled o filtered)

Tsaa na walang asukal       Tsaa na may asukal

Kape na may low-fat milk    Kape na may asukal at

at artificial sweetener              gatas

Yogurt                                       Regular ice cream

Gelatin                                      Cakes at icing, pastries

Popcorn na konti lang ang                 Chicharon, potato chips,

asin at walang butter                corn chips                     

Mag-ingat po sa pag-inom ng soft drinks, mata­tamis na juices at kape na puwedeng magpataba sa iyo. Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsa­ritang asukal. Tubig na lang ang inumin.

Kung ayaw niyong magkaroon ng diabetes, umiwas din sa pagkain ng ice cream, cake at mga sitsiryang walang ma­buting idudulot sa ating katawan. Tingnan ang listahang ito. Maging matalino sa pagpili ng iyong kinakain.

AYON

BLOOD INSTITUTE

DR. JARED REIS

HUWAG

KAPE

NATIONAL HEART

PILIIN

TSAA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with