Pagpapalawak ng PESO

Ipinupursige ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpapalawak at pagpapahusay ng operasyon ng mga public employment service office (PESO). Ito ay sa pamamagitan ng iniakda niyang Senate Bill No. 2872 na mag-aamyenda at magpapalakas sa PESO Act of 1999.

Layunin ng panukala na gawing mas epektibo ang naturang mga tanggapan sa pagbibigay ng hanapbuhay sa publiko sa pamamagitan ng pagtitiyak ng sapat na pondo at sistema ng operasyon ng mga ito, aktibong programa ng local government units (LGUs) at Department of Labor and Employment (DoLE), at mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga non-government organization (NGO) at State Universities and Colleges (SUCs).

Isinusulong ng panukala ang pagtatatag at operasyon ng PESO sa lahat ng mga lalawigan, lungsod at munisipalidad. Ang mga ito ay pangunahing pangangasiwaan ng mga LGU sa direktang pakikipag-ugnayan ng DoLE. Ang mga PESO ay makikipagkapit-bisig naman sa mga NGO at SUC sa pagtatatag ng mga job placement office ng naturang mga institusyon.

Sa ilalim ng PESO program, gagawa ng compute-rized human resource registry sa bawat lokalidad upang alamin ang mga kaalaman at kasanayang panghanapbuhay ng mga tao roon, habang makikipag-ugnayan din sa mga kompanya upang kunin naman ang detalye ng mga nagiging job vacancy sa mga ito.

Hihikayatin din ang mga mamamayan na magparehistro sa mga PESO sa kanilang lugar at itala ang mga kaukulang detalye tungkol sa kanilang kuwalipikasyon upang matulungan silang makahanap ng trabaho.

Ang mga PESO ay re­gular na magsasagawa ng mga employment promotion activity at public infor­mation campaign. Ayon kay Jinggoy, dapat maging “fully enabled and established” ang mga ito sa lahat ng panig ng bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng nasyunal at lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Show comments