^

PSN Opinyon

Demoralisado ang AIDSOTF

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

 HINIHILING ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) kay DOJ Sec. Leila de Lima na rebisahin nito ang desisyon ni DOJ Undersecretary Francisco Baraan III na i-withdraw ang kaso laban kay Angelo Bongco na nahulihan nila ng 717 piraso ng ecstasy. Matapos kasi ang preliminary investigation, isinulong ni investigating prosecutor Dennis Jarder ng Bacolod City RTC na sampahan ng kasong pagbebenta at pag-iingat ng ecstasy si Bongco. Iminungkahi rin ni Jarder na walang bail si Bongco at nag-file siya ng petition for review sa DOJ. Nagulat ang taga-AIDSOTF nang iutos ni Baraan na i-withdraw ang criminal information kay Bongco sa kanyang desisyon na may petsang Aug. 22. Sinabi ni Baraan na walang compliance ang mga pulis na humuli kay Bongco sa Sec. 21 ng RA 9165. Subalit maliwanag naman sa record ng kaso na ang mga ebidensiya ay minarkahan, na-inventory at nakunan pa ng litrato matapos maaresto si Bongco at sa harap ng mga barangay officials, media at representante ng prosecutor’s office. Ang ikinalungkot pa ng AIDSOTF ay ang tinuran ni Baraan na “planted” ang 717 pirasong ecstasy na nakuha kay Bongco. Magkano….este, ano ang nangyari Mr. Baraan, Sir?

Demoralisado kasi ang AIDSOTF sa desisyon ni Baraan. Kung sino pa ang inaasahan nilang tutulong para masawata ang naglilipanang droga sa kalsada eh kabaliktaran naman ang ginagawa ni Baraan. Sino pa ang magsisipag na manghuli ng drug pushers at users kung ang mga kasong pina-file ng ahente nila ay babaliktarin lang sa korte? Kaya’t nararapat lang na rebisahin ni De Lima ang kaso ni Bongco para malaman niya kung anong milagro ang nagtulak kay Baraan sa desisyon niyang ito. Ano sa tingin n’yo mga suki?

Si Bongco ay inaresto ng AIDSOTF sa isang buy-bust operation sa Las Palmas del Mar resort sa Bgy. Singcang Airport sa Bacolod City noong Hunyo 18, 2011. Nakuha sa pag-iingat niya ang 617 pirasong ecstasy. Dahil sa madilim na noon, walang nakuhang karagdagang ebidensiya ang AIDSOTF nang halughugin nila ang sasakyan ni Bongco. Subalit, kinabukasan nakakuha pa ng 100 pirasong ecstasy ang AIDSOTF sa isang card holder sa secret pocket ng upuan ng kotse. Ang lahat ng ebidensiya ay minarkahan, na-inventory at nakunan ng litrato sa harap nina Bgy. Capt. Rosini Distrito, Kgd. Romeo Jago, Katherine Valencia ng GMA 7 at Barbara Ann Mijares ng ABS-CBN, anang AIDSOTF. Saan kaya hinango ni Baraan ang kanyang desisyon? Abangan!

AIDSOTF

ANGELO BONGCO

BACOLOD CITY

BARAAN

BARBARA ANN MIJARES

BGY

BONGCO

DE LIMA

DENNIS JARDER

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with