Payo para long life ng isang edad-101

 EDAD-97 si Dr. Shigeaki Hinohara ng Japan nang ma-interview ni Judit Kawaguchi sa Japan Times. Nag-100th birthday si Hinohara nu’ng Okt. 2011, at buhay pa ngayon. Pinaka-matagal nang nagsisilbing physician sa mundo, nagsimula siya maggamot sa St. Luke’s International Hospital at magturo sa St. Luke’s College of Nursing, Tokyo, nu’ng 1941.

Mula sa giba ng World War II pinangarap niya ang world-class hospital at nursing school. Kasalukuyan siyang chairman ng dalawang institusyon. Nakapaglathala siya nang mahigit 150 libro mula edad-75, kabilang ang Living Long, Living Good, na bumenta ng 1.2 milyong kopya. Founder siya ng New Elderly Movement. Payo niya para sa long life:

(1) Galing ang sigla sa kasiyahan, hindi sa masarap na pagkain o tulog. Nu’ng bata pa masaya tayo, nakakalimot kumai’t matulog. Dalhin ang saya na ‘yan sa adulthood. Huwag maghigpit sa oras ng kain o tulog.

(2) Lahat nang mahaba ang buhay, anomang lahi o ka­sarian, ay hindi overweight. Almusal ko: kape, gatas, orange juice na may isang kutsara ng olive oil, na panglinis ng ugat at kutis. Tanghalian: Gatas, biskuwit; kung busy ako, wala. Hindi ako nagugutom dahil abala ako sa trabaho. Hapunan: Gulay, konting isda at kanin, karne minsan sa isang linggo.

(3) Planuhin ang trabaho. Puno na ang appointment book ko hanggang 2014 — ng lectures at gawaing ospital. Sa 2016 magliliwaliw ako — sa Tokyo Olympics.

(4) Hindi kailangang mag-retiro. Pero kung gagawin mo, huwag mas maaga sa edad-65. Nu’ng itakda sa 65 ang retirement age, ang average life span ay 68, at ilan lang ang mahigit edad-100. Ngayon daan-daang libo na ang centenarians sa mundo.

(Bitin, ano? May pito pang payo sa long life. Itutuloy sa Biyernes.)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mailjariusbondoc@gmail.com

Show comments