'Pinoy US Cops Ride Along, sa PTV 4 na!'
INAABANGAN na ng lahat ang season 3 ng Pinoy US Cops – Ride Along ngayong darating na Sabado mula 8:30 hanggang 9:00 ng gabi sa bago nitong tahanan sa PTV Channel 4.
Kamakailan lamang, nagtungo ang aming grupo sa United States upang makiangkas sa mga kababayan nating naninilbihan doon bilang mga alagad ng batas.
Tungkulin nila na protektahan ang kanilang komunidad sa kabila ng panganib na maaaring umabot sa puntong sariling buhay pa ang maging kapalit.
Sa aming pagbisita sa San Mateo County, sa Northern California, sinubaybayan namin ang mga pagsasanay at aktuwal na pagresponde sa iba’t ibang uri ng krimen o emergency na ibinabato sa mga Pinoy patrol officer na aming nakasama.
Eksklusibong inimbitahan ang team Ride Along upang maidokumento ang pakikipagsapalaran ng mga kababayan nating patrol officer sa US.
Sa slogan ng programa na “Dugong Pinoy, tatak Pinoy, pusong Pinoy”, layunin ng Pinoy US Cops – Ride Along na ipakita ang tagumpay ng mga Pinoy patrol officer maging ang departamento kung saan sila naka-destino.
Samahan ang team Ride Along sa aming pakikiang-kas sa pakikipagsapalaran ng ating mga kababayang alagad ng batas sa bayan ng mga dayuhan.
Abangan ang simula ng season 3 ng Pinoy US Cops– Ride Along nga- yong Sabado ng gabi bago ang lotto draw, alas 8:30 hanggang alas-9 ng gabi sa PTV Channel 4!
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest
- Trending