^

PSN Opinyon

Hindi puwedeng kasali sa kaso (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - The Philippine Star

ANG kasong ito ay tungkol sa isang parselang lupa na may sukat na 4,527 metro kuwadrado at sakop ng titulo bilang (TCT) 109456 na nakarehistro sa pangalan ni Eulogio. Simula pa noong 1936 na nakarehistro pa ang lupa sa pangalan ng mga magulang ni Eulogio ay sinasaka na ito ni Fredo na asawa ni Lydia. Sila ang lumalabas na tenant ng magulang ni Eulogio at marami na silang naitanim na puno, gulay, nakapagtayo na rin sila ng bahay at kung anu-ano pa. Nang mamatay ang mga magulang ay si Eulogio at ang mga kapatid niyang sina Mila at Francia ang naging tagapagmana. Noong una ay nakarehistro lang ang lupa sa pangalan nina Mila at Francia kaya si Mila ang kusang gumawa ng Kasunduang Buwisan sa Sakahan pabor kay Fredo noong Mayo 26, 1993. Pinagtitibay lang ng kasulatan ang pagiging tenant ni Fredo sa lupang sinasakahan.

Matapos ang pirmahan ng kasunduan noong Mayo 1994 ay namatay na si Fredo at ang naiwan na lang ay sina Lydia at ang kanilang anak-anakan na si Nida bilang mga tagapagmana na magpapatuloy sa pagsasaka sa lupa. Noong panahong iyon ay nailipat na sa pangalan ni Eulogio ang lupa dahil pumirma na silang magkakapatid ng extrajudicial settlement ng lupang kanilang minana. Noong Setyembre 28, 1994, gumawa ng Kasunduan si Eulogio na pinirmahan nila ni Lydia. Noon ay 81 taong gulang na ang babae at hindi pa marunong sumulat at magbasa. Ang ginawa ni Eulogio ay pinapirma lang si Lydia sa kasulatan sa pamamagitan ng pagtatak ng marka ng daliri at binigyan ng P50,000 na hindi man lang ipinaliwanag kung ano ang nilalaman ng papeles. Nang magkapirmahan na sa Bulacan, pinanotaryo ni Eulogio ang kasulatan sa Pasig, Rizal.

Pagkatapos ng pirmahan ay saka pa lang nalinawan ni Lydia na kaya pala siya pinapirma at binigyan ng P50,000 ay iyon pala ang paraan ni Eulogio para mapatalsik siya sa lupang sinasaka. Sinubukan niyang ibalik ang pera pero ayaw na itong tanggapin ni Eulogio kaya ang ginawa nila ng kanyang anak na si Nida ay nagsampa ng kaso sa Provincial Agrarian Reform Adjudication Board (PARAD) para mapa­wa­lambisa ang kasunduan na pinirmahan nila ni Eu-logio noong Setyembre 28, 1994. (Itutuloy)

BULACAN

EULOGIO

FREDO

KASUNDUANG BUWISAN

LYDIA

NANG

NIDA

NOONG

NOONG SETYEMBRE

PROVINCIAL AGRARIAN REFORM ADJUDICATION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with