^

PSN Opinyon

Pampalakas sa sex

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

Ano ang G-spot na nagpapaligaya daw sa babae?

Ang G-spot ay isang espesyal at sensitibong parte sa puwerta ng babae. Kapag ito ay ginagalaw, siguradong maliligayahan ang babae at mabilis sila mag-o-orgasm. Ang G-spot ay matatagpuan sa likod ng “clitoris.” Ang clitoris ay nasa bandang taas ng puwerta at nasa iba­baw pa ng urethra kung saan umiihi ang babae. Sobrang sensitibo ang lugar na ito. Ang nakapagdiskubre sa G-spot ay si Dr. Grafenberg, isang Aleman na doktor.

Dok, nahihirapan akong mag-orgasm. Ano ang da­pat kong gawin?

Hindi alam ng marami, pero ang utak natin ang pinakamabisang sexual organ. Oo, ang pag-iisip natin ang pinaka-epektibong pampagana sa sex. Kailangan ay ma-stimulate ang ating 5 senses, mula sa paningin (seeing), pandinig (hearing), pang-amoy (smelling), pakiramdam (feeling), at panlasa (tasting).

Kailangan ay maganda ang ating makikita para ganahan sa sex. Kapag mataba at hindi naliligo si Misis, paano ka gaganahan? Kailangan din makarinig ng nakaka-relax na musika. Kailangan maka-amoy ng mabangong perfume at hindi ‘yung amoy pawis. Kapag maganda ang paligid, siguradong gaganahan ka sa sex. Ngunit kung nanggugulo ang mga bata at naririnig mo ang boses ng iyong biyenan, siguradong hindi ka gaganahan sa sex.

Puwede ba akong uminom ng gamot para luma­kas sa sex? Puwede bang uminom ng Sildenafil?

Oo, may mga gamot na makatutulong sa sex. Ang mga taong may impotence (iyung hindi tumitigas ang ari) ay puwedeng uminom ng Sildenafil (Andros tablets). Kahit wala kang sakit, puwede ka rin uminom ng Andros pero hindi talaga ito nirerekomenda ng mga doktor.

Kapag ika’y may sakit sa puso, dapat hinay-hinay lang sa pag-inom ng mga gamot. Dahil baka hindi makayanan ng iyong puso ang matagalang pagtatalik, lalo na kung hindi si Misis ang iyong partner.

May pagsusuri na nag­ sasabi na kapag nakiki-pagtalik ka sa isang baba­eng hindi mo kakilala, masyado ma-i-stress ang inyong puso. Kapag ika’y may edad na, puwede kang atakihin sa puso habang nasa kama. Magpa-check up muna sa doktor bago gumawa nito.

Good luck po.

ANDROS

ANG G

DR. GRAFENBERG

KAILANGAN

KAPAG

MISIS

OO

PUWEDE

SILDENAFIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with