^

PSN Opinyon

'Pusong lalaban' (ikalawang bahagi)

- Tony Calvento - The Philippine Star

“Kapag nabuntis ako titigil din ang lahat ng ito!” wika ni ‘Flor’ sa sarili isang gabi… sa loob ng isang silid sa Blumentritt.

Halos mapaso si Flor sa init ng katawan ni ‘Alex’. Nag-apoy ang kama… bawat langitngit ay siya namang kapit ng mahigpit sa lalake.

Nung Lunes isinulat namin ang istorya ng isang gwardyang kinaliwa umano ng asawa, si Igmedio Tango-an Jr. o “Jun”, 35 anyos.

Ang isang araw na pagtataksil ng asawa nitong si Geralyn Tango-an mas kilala sa tawag na “Flor”, 29 anyos at kumpareng si ‘Alex’ ang dahilan ng pagkalamat ng kanilang relasyon at tuluyang nang nawasak nitong Agosto 2012.

PARA SA PATAS na pamamahayag pumunta sa aming tanggapan si Flor kaugnay ng akusasyong ito.

Inamin ni Flor na minsan siyang nagtaksil. Ang gabing ito raw hindi na naulit. “Sabik lang akong magka-anak kaya ko nagawa yun,” paliwanag niya.

Nagsisi na daw siya pero grabeng paghihirap pa rin ang dinanas nito.

“Halos patayin na niya ko. Paulit-ulit niyang binabalik…paulit-ulit. Para siyang animal na handang sumakmal anu mang oras…” wika ni Flor.

Tubong Bato, Leyte si Flor. Sa edad na Trese anyos lumuwas siya sa Maynila. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Taong 2001, naging tindera siya sa ‘beverage at shakes’, sa San Andres Bukid, tapat ng St. Joseph School.

Dito niya nakilala si Jun. Gwardya ng katabing Mercury Drug Store. Minsang bumili si Jun ng ‘shake’, nag-shake muli tatlong magkasunod na araw. Nakipagkwentuhan at nag-ayang mag-disco sa Malate sa Chicks O’clock.

“Hilig namin mag-disco magpinsan kaya sumama kami,” wika ni Flor.

Nung pauwi na sila sakay ng jip, hinawakan ni Jun ang kanyang mukha, nilapit sa kanyang labi sabay nakaw ng halik. Walang ligaw-ligaw, sila na agad. Dise-otso pa lang nun ang dalaga, 25 anyos naman si Jun.

Matapos magbantay ng drug store, si Flor naman ang tinutukan ni Jun.

Taong 2002, pinalayas si Flor ng pinsan sa apartment dahil sa away pamilya. Nang walang mapuntahan sinalo siya ni Jun.Umupa sila sa isang kwarto sa Blumentritt kasama ang kumpare ni Jun, si Alex.

Mas lumalim ang relasyon ni Jun at Flor. Nakikita nila ang mga sarili sa motel kung saan sila nagtatalik. Malaki man ang agwat ng edad (limang taon) pilit nilang pinasok ang mundo ng isa’t isa.

“Kapag nakikita kami ng kaibigan niyang magkasama tinatanggi niya ako. Pinsan ang pakilala niya sa akin,” kwento ni Flor.

Pakiramdam ni Flor kinakahiya siya ni Jun dahil Grade V lang ang inabot niya. Hindi rin siya palaayos nun, T-shirt at pantalon… larga na. Insulto man ito sa kanyang pagkatao, naging bulag si Flor sa pagmamahal ni Jun.

“Mahal ko nun si Jun. Mahal na mahal din niya ako. Kaya hindi ko siya hiniwalayan sa mga simpleng bagay lang” wika ni Flor.

Inaya ni Jun na magpakasal si Flor taong 2005, bagay na pinag­handaan talaga nito. Pumayag si Flor, naganap ang kasalan sa simbahan sa Bato, Leyte.

Hindi nagtagal napansin ni Flor ang mainiting ulo ng mister. Minsan nagtalo sila sa pagbukas ng ‘joint account’ sa banko. Bigla siyang binigyan ng isang malakas na suntok sa panga. Sa tuwing mapupuno si Jun nabibigwasan niya ito.

Matapos ngumawa ni Flor aamuhin… kakargahin siya nito. Parang bata siyang tumatahan matapos subuan ng kendi.

Ganitong relasyon man meron sila, pinili pa rin nilang magsama.

Taong 2010 inaya si Flor ng kapatid na magbakasyon sa South Korea. Pumayag si Jun na noo’y naka-duty naman sa Pagcor.

Araw-araw silang magka-chat sa loob ng tatlong buwan. Pagbalik niya sa Pinas, lumipat sila sa bahay ng kapatid ni Jun sa Bulacan. Nag-resign si Jun sa trabaho at nagnegosyo ng maliit na grocery store.

Mas dumalas ang away nila kahit sa mga simpleng bagay lang. Marso 2012, nang tanungin ni Flor ang mister sa presyo ng asukal, isang malakas na mura ang inabot niya. “P&7#n^ i#@ mo!” sigaw nito.

Unang beses itong ginawa ni Jun. Sa sama ng loob ni Flor, bitbit ang cell phone nilang mag-asawa, lumuwas siya sa Munoz sa tiyahing si Delia.

Bigla na lang tumawag si Alex at hinanap ang kumpare. Sagot ni Flor, “Dun mo puntahan sa bahay! Hindi kami magkasama.”

Hindi rin nakatiis si Flor, isang linggo makalipas umuwi rin siya. Tulad ng dati, inamo-amo siyang muli ni Jun. Nung buwan na ‘to na daw siya kinulit ni Alex.

“Nung una, nanghihingi siya ng payo, madalas sila mag-away ng pinsan ko. Hanggang aminin niya gusto niya daw ako…matagal na!”, ayon kay Flor.

Naging hingahan nila Alex at Flor ang isa’t isa. Nauwi sa relasyon ang lahat. Marso 26, 2012 habang nag-aayos ng papales sa Korea nagkita sila sa Jollibee, Guadalupe. Napag-usapan nila ang kagustuhan ni Flor na magkaroon ng anak. Doktor na mismo ang nagsabing mababa ang ‘sperm count’ ni Jun. Binigyan siya ng bitamina sa loob ng tatlong buwan subalit kalahating buwan lang niya ininom.

“Nawalan siya ng pag-asa. Sayang daw ang pera ipunin na lang. Ang akin naman ipon kami nang ipon wala namang makikinabang,” wika ni Flor.

Dahilan ito kung bakit ng sabihin daw ni Alex,“Gusto mo ako magbigay sa’yo ng anak,” napaisip siya’t dulo-dulo sa motel sa Blumentritt sila nauwi.

“Ayokong gawin pero kung mabubuntis ako sasabihin ko kay Jun na sa kanya ang bata… makukumpleto na kami.” isip-isip ni Flor.

Nilihim ni Flor ang nangyari. Abril 24, 2012 lumipad siya papuntang Korea. Kinaumagahan, pagbukas ng yahoo messenger (YM) kinumpronta na lang siya ni Jun. Ayun, nabasa daw ni Jun ang usapan nila ng kumpare sa YM.

Humingi ng tawad si Flor. Sa sobrang pagmamahal ni Jun abswelto siya. Agad daw na pinutol ni Flor ang ugnayan nila ng kumpare.

Hindi naging madali kay Jun na kalimutan ang lahat. Minsan naghihinala pa rin siya. Initindi ito ni Flor, dahilan niya siya naman daw ang nagkamali.

Ika-25 ng Hulyo 2012, umuwi ng Pinas si Flor… sa piling ni Jun. Ang inakalang panibagong buhay, umpisa pa lang pala ng kanyang kalbaryo.

Gigising siyang nakatayo sa harap niya si Jun. May dalang kutsilyo sabay sabing, “Nakikita mo ba ito… subukan mong umalis papatayin kita!”

Minsan naman itinaas ni Jun ang bote ng C2, “Alam mo ba ang laman nito… asido. Ibubuhos ko ito sa mukha mong pinag-aagawan,” sabi nito

Ang pasaporte at mga damit ni Flor sinunog ng mister. Nitong huli, nakipag-agawan naman ng gunting si Jun sa kapatid ni Flor. Balak siyang kalbuhin ng mister.“P*kp*k ka!.. P*kp*k ka!...”, sigaw pa daw ng asawa.

Lahat ng dinanas ni Flor kay Jun, inere namin sa aming programa sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 KHZ (tuwing 3:00-4:00). Para mas malinawan kami sa tunay na pinagdadaanan ng mag-asawa pinagharap namin sila.

Ang mainit at maramdaming komprontasyon nila Jun at Flor…eks­klusibo sa Calvento Files sa Psngayon. abangan sa biyernes. (kinalap ni Monique Cristobal) Ang aming numero 09213263166 (Aice)/ 09198972854(Monique)/ 09213784392(Pauline). Landline 6387285, 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Lunes-Biyernes.

ALEX

FLOR

HELLIP

JUN

NIYA

SILA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with