^

PSN Opinyon

Miriam, dismayado kay Rico Puno

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

NATULOY din ang paggisa ng mga Senador sa nagbitiw na DILG Undersecretary Rico Puno sa kabila ng pa­ngamba kamakalawa na baka walang quorum. Matinding paggigisa ang dinanas ni Puno lalo na sa isyu ng jueteng at ang kontrobersyal na bidding para sa mga sandata ng Philippine National Police (PNP).

Ngunit dismayado si Miriam sa mga sinabi ni Puno. Sa pambungad na pananalita pa lang ni Puno ay agad niyang inatake ang kanyang detractors lalo na ang media na aniya’y naglubid ng mga kasinungalingan laban sa kanya. Iyan ang problema. Sa pagtupad ng media sa tungkuling maghatid ng balita, sinisisi pa na naninira!

Ani Puno, hindi raw siya protector ng jueteng, bagay na sumalungat sa pahayag ni retired Archbishop Oscar Cruz na lalung naglubha ang jueteng sa ilalim ng pamamahala sa DILG ni Puno. Kaso, tinarayan siya ni Miriam. “Kung hindi ka tumatanggap sa jueteng, sino ang tumatanggap?” tanong ng Senadora.

Ani Miriam, kung totoong hindi protector ng jueteng si Puno, bakit namamayagpag pa rin ang jueteng?

Kunsabagay ay nagbitiw na sa tungkulin si Puno. Pero hindi nangangahulugan na isaisantabi na lang ang usaping ito. Pero ang mga naranasan natin sa nakaraang araw ay hindi na dapat maulit pa kahit sino ang pumalit kay Puno bilang USec.

Kung siseryosohin ang pagsugpo sa jueteng, kayang-kaya itong gawin basta’t may political will ang isang leader.

Pero papaano mapipigil ang isang gawaing nagbibigay ng malaking pakinabang sa mga nasa itaas pati na sa mga ordinaryong mamamayang tumatangkilik dito?

Ganyan din naman sa iba pang mga oportunidad ka­tulad ng procurement ng mga gamit sa pamahalaan tulad ng mga sandata para sa PNP. Batid naman natin na kahit may mga regulasyon sa bidding, madalas ay nalalabag ito sa kapakinabangan ng mga opisyal na nag-aabang ng komisyon.

Kaya importante na sa pagpili ng mga matataas na opisyal sa pamahalaan, dapat tingnan ang track record ng sinuman bago iluklok sa anumang puwesto.

ANI MIRIAM

ANI PUNO

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BATID

JUETENG

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNO

UNDERSECRETARY RICO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with