^

PSN Opinyon

'Maruming kakanin'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

MAKAILANG-ULIT nang nagsagawa ang BITAG sa pakikipag-ugnayan sa kinauukulan ng mga surprise inspection sa mga panaderya, pagawaan ng tsitsaron, taho at iba pa.

Layunin ng BITAG na mapaalalahanan ang mga may-ari ng mga pagawaan ng pagkain na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa kanilang sinasakupan para sa kaligtasan ng mga mamimiling tumatangkilik sa kanilang produkto.

Mula ang mga sumbong sa mga tip ng mismong mga trabahador na nakokonsensiya sa maruming paggawa o paghahanda ng mga pagkain.

Kilala ang mga Pinoy na mahilig kumain dahil nakasanayan na natin na magmeryenda sa pagitan ng almusal, pananghalian at maging matapos ang hapunan.

Isa sa mga paboritong meryenda na sariling atin ang mga kakanin tulad ng biko, sapin-sapin, suman at iba pa.

Karaniwan itong homemade at inilalako sa daan o ‘di kaya’y itinitinda sa mga kainan.

Subalit nakasisiguro ka bang ang iyong nabiling kakanin ay malinis?

Isang tip mula sa isang residente sa palengke sa Caloocan City ang natanggap ng BITAG tungkol sa dugyot na paghahanda ng meryendang kakanin sa kanilang lugar.

Siya mismo ang nakasaksi kung gaano karumi ang kapaligirang pinaglulutuan at pinaghahandaan ng mga kakaning itinitinda sa kanila.

Bukod sa mga nakakalat na basura sa paligid at paga- la-galang aso sa kanilang kusina, maging ang mga pinaglulutuang kawali umano ay walang kasing dungis.

Agad na nagpadala ng BITAG undercover ang aming grupo upang kumpirmahin kung totoong dugyot ang pagawaan ng kakanin sa kanilang lugar.

Pagdating pa lamang sa itinurong lugar, bubungad na ang mga basura at mabahong amoy mula sa kanilang

 pinaglulutuan.

Naabutan pa ng aming undercover ang lalaking trabahador na naka-tsinelas lamang at walang suot na pang-itaas na damit habang nagbabanlaw ng bigas na gagamitin sa pagluluto ng kakanin gamit ang kanyang buong braso at kamay.

Ilang minuto pa, matapos tawagin ng kalikasan ilang hakbang lang mula sa binabanlawang bigas, balik paghahalo na ang trabahador nang hindi naghuhugas!

Nang aming ipasuri ang nakuhanang video sa hepe ng Sanitation Division sa Caloocan, isang surpresang inspeksiyon ang agad na ikinasa.

Saksihan bukas ng gabi sa BITAG sa TV5 kung gaano karumi ang paghahanda at pagluluto ng kakanin sa Caloocan City at kung saan-saang lugar pa ito inilalako!

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BITAG

BIYERNES

BUKOD

CALOOCAN CITY

KALAW HILLS

QUEZON CITY

SANITATION DIVISION

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with