^

PSN Opinyon

Resign kung may delicadeza sina David at Mangrobang

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

 TUWANG - tuwa ang mga opisyal ng Bureau of Immigration dahil dumating sa kanilang office si P. Noy para dumalo sa  ika - 72 anniversary.

Sabi tuloy ng iba ang lakas ni BI Commissioner Ric David kay P. Noy dahil dumating ito doon.

Yon pala may problema. Hehehe!

Ang masama matapos silang batiin ni P. Noy ng ‘happy anniversary’ ay binakbakan na sila ng sermon.

Bhe, buti nga!

Dismayado si P. Noy sa mga ‘praise release’ na nagawa ni David at ilang opisyal nito sa bureau kasi ikinuento isa-isa ni Commissioner ang naging achievements niya at plantsa este mali plano pala para sa BI.

Sabi nga, nambola pa?

Totoo kaya ito!

Isa-isang hinimay ni P. Noy ang kanyang pagkabuwisit sa BI sa mga palpak na performance nito tulad ng pagtakas ni Korean fugitive Kim Tae Dong, habang under hospital arrest ito sa St. Luke’s Hospital ng mga taga- immigration at siempre ang pagpuslit ng mag-utol na puganteng sina dating Gov. Joel Reyes at Mayor Mario Reyes last August sa NAIA terminal 3 kahit na nasa wanted list na sila dahil sa pagkakasangkot sa pag-tepok sa environmentalist at brodkaster na si Jerry Ortega sa Palawan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi pa alam ni P. Noy ay inilihim pa ang pagkawala ni Kim Tae Dong dahil itinago muna ang pagtakas niya sa madlang people kaso ang naging problema nga lamang ‘natikom’ ang bibig ng mga media na bumanat sa istorya kaya nang pumutok tarantang-taranta ang mga kumita ng salapi este mali mga immigration intelligence agent pala.

Saan na nga pala David at Tonette Mangrobang, ang super lady ng BI si Kim Tae Dong?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naggagalaiti sa galit ang Korean government nang makatakas si Kim Tae Dong sa kanyang lungga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit under arrest si Kim Tae Dong ay nakakalabas ito ng Phiippines my Philippines papunta sa destination na gusto niya.

‘Paano ito nakakalusot sa airport?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Magkano ang kinita ng mga bugok na opisyal kay Kim Tae Dong para pumuga sa kanyang bantay salakay?’

‘Ano ang nangyari sa intelligence networking ng Bureau of Immigration, Atty. Mangrobang?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki at hindi birong salapi ang intelligence fund sa BI at hindi ito naa-audit .

‘Saan nagagamit ang intelligence fund?’ tanong ng kuwagong nabukulan.

‘Wala naman bagong equipment ang bureau, sasakyan para gamitin ng intelihensiya team este mali intelligence team kapag may kini-casing ang mga ito. May bago ba silang mga gadget para sa paninitik?’

Siguro dapat imbestigahan ang mga opisyal dito sa Bureau of Immigration ng mga mambabatas para magkalinawan kung paano nangyari ang takasan blues ng mga pugante.

Biruin mo si P. Noy pa ang nag-sermon sa kanila.

Sabi nga, nakakahiya!

Dapat kung may delicadeza si David magbitiw ka na sa tungkulin dahil alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi mo kayang patakbuhin ang immigration?

 Ito ang linya ni P. Noy sa anibersaryo ng bureau habang sinisermunan sila ‘sa ganitong mga pagkakataon, inaasahan nating gagawin ng mga nagtatangkang tumakas ang lahat ng paraan para hindi sila mauwi sa kulungan. Hindi po sila magpapakilalang akusado, hindi nila sasabihing kabilang sila sa watch list ninyo, at lalong higit, hindi nila isusuko ang sarili sa awtoridad.Pero kung tatapatan ito ng husay at masinsing pagbabantay ng Bureau of Immigration, magkubli man sa ibang anyo, gumamit man ng ibang pangalan, doktorin man nila ang mga dokumento, mahuhuli pa rin sila.’

Sabi nga, tama si P. Noy!

Dismayado si P. Noy sa BI sa ilalim ng pambubukol este mali pamumuno pala ni David.

Ito pa ang sermon ni P. Noy sa ilalim ng pamumuno ni David ‘kitang-kita sa nangyari ang pagkukulang sa pagtupad sa tungkulin. High profile na nga ang mga salaring ito, ipinalabas sa lahat ng media ang kanilang mukha, pero tila walang kahirap-hirap pa rin silang nakatakas.

“Puwede po bang mangyari yun nang walang kuntsabahan, at kung walang natutulog sa pansitan? Kung nakakalusot sa batas ang mga kontrobersyal na indibidwal, paano pa kaya yung iba pang di gaanong kilala at gumagawa ng kalokohan?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sinagot ni Mangrobang si P. Noy para masalo si David dahil ito ang tsip ng Intelligence unit ng bureau na may malaking intelligence fund?

Abangan!

BUREAU

BUREAU OF IMMIGRATION

KIM TAE DONG

LSQUO

NOY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with