^

PSN Opinyon

Corruption sa Customs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

TUMATANGIS ang local manufacturers ng bakal sa Mandaue, Cebu kay Finance Sec. Cesar Purisima dahil sa imported “finished metal products” na mas mababa pa kaysa sa scrap metal. Ayon sa reklamo sa akin, labis na ang paghihirap ng kompanya sa ilalim ng Philippine Iron and steel Institute and Galvanized Iron Wire Manufactu-ring Association ng naturang lalawigan, dahil hindi nila kayang sabayan ang presyong ipinaiiral ng mga imported na bakal. Ang masakit mukhang ang tinutukoy ng kanilang reklamo ay ang sabwatan ng mga tiwaling opisyales ng Customs at big time smuggler. Kung patuloy itong mamamayani sa Cebu, maraming magsasarang kompanya at marami ang mawawalan ng trabaho.

Ang modus umano ng sindikato ay nirorolyo sa smaller sized steel wire rods para lumabas na reinforcing steel bars at ibinebenta sa hardware stores para sa mga maliliit na construction pro-jects. Natural na maliit lamang ang babayaran nitong buwis. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may sabwatan nga sa Customs. Kasi nga kung seryoso si Biazon na sawatain ang sabwatan sa Customs, pairalin lamang niya ang valuation procedure at maaabot niya ang umiiral na technical smuggling. Una rito, mag-cross reference sa metal bulletin weekly sa Steel Business Briefing of London o MySteel ng China kung saan nakatala ang mga presyo ng bakal. Malaki ang tiwala ko kay Biazon na maaaksyunan niya ang reklamo ng mga taga-Mandaue. Para kay Purisima, kung nais mong maging malinis ang Customs at makakolekta ng tamang buwis, ipa-life style check mo si Glenda na nasa opisina umano ni Biazon. Super galante umano ito sa pamumudmod ng datung sa mga taga-media. Abangan!

ABANGAN

AYON

BIAZON

CEBU

CESAR PURISIMA

FINANCE SEC

INSTITUTE AND GALVANIZED IRON WIRE MANUFACTU

MANDAUE

PHILIPPINE IRON

STEEL BUSINESS BRIEFING OF LONDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with