^

PSN Opinyon

Editoryal - Sagabal na puno sa daang matuwid

- The Philippine Star

SINABI ni President Noynoy Aquino sa kanyang SONA noong Hulyo 26, 2010: “Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sa-ngandaan. Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagi-ging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konside-rasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumba-yan. Ito po ang baluktot na daan.”

Sa simula pa lamang, ang “tuwid na daan” na ang ipinagsisigawan ni P-Noy. Ito ang kanyang battlecry. Gusto niyang tahakin nang lahat ang tuwid na daan. At makakamit lamang ito kung tama at nasa ayos ang pamumuno. Pero paano nga matatahak ang daang matuwid kung mayroon namang mga sagabal? Imposibleng makadaan nang maayos kung may mga sagabal. At isa lamang ang paraan para makaraan sa landas na matuwid, alisin ang mga hadlang o sagabal sa daan.

Inalis na ni P-Noy ang kontrobersiyal na undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Rico E. Puno. Ito ay makaraang sumabog ang balitang nagtungo si Puno sa opisina at condo unit ng namayapang DILG secretary Jesse Robredo. Umano’y may hahanaping dokumento si Puno. Kasama niya ang mga pulis. Nangyari umano iyon, isang araw makaraang mamatay si Robredo sa plane crash sa Masbate. Pero agad din namang dinepensa ni P-Noy si Puno at sinabing iniutos niya rito na i-secure ang opisina ni Robredo.

Naungkat na nasa condo umano ang dokumento nang ginagawang imbestigasyon ni Robredo ukol sa arms deal kung saan kasangkot si Puno. Gayunman, sinabi ni P-Noy na siya ang nag-utos kay Robredo para imbestigahan ang arms deal. Overpriced umano ang mga baril na aangkatin sa Israel. Sabi pa ng presidente, ang arms deal ang iniimbestigahan at hindi umano ang mga kasangkot dito. Ayon pa sa presidente, may tiwala pa rin siya kay Puno.

Maraming sagabal sa tuwid na daan kaya nararapat na alisin ang mga ito. Hindi kailanman matatahak ang landas kung maraming hadlang. Kung nais na tuluy-tuloy ang pagtahak, linisin ang landas.

JESSE ROBREDO

P-NOY

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PUNO

RICO E

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with