^

PSN Opinyon

Iba na talaga ang klima ng mundo!

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

IBA na talaga ang estado ng klima ng mundo ngayon. Sa aking programa sa DZMM, nakapanayam ko ang ilang mga indibidwal na nababahala na sa nangyayari, lalo na sa Pilipinas. Katulad na lang ng dumaang habagat na nagbuhos ng matinding ulan! Habagat lamang pero mala-Ondoy na ang pagbuhos ng ulan! Ang babala pa, taun-taon na itong magbabago, o sa madaling salita, lalala pa ang pag-ulan sa Luzon!

Kabaliktaran naman daw ang magaganap sa Visayas at Mindanao, na makararanas ng matinding init at madalang na ulan! Malaking problema para sa mga rehiyon na iyan dahil sa karamihan ng kanilang pinagkukuhanan ng enerhiya ay hydroelectric. Kung walang ulan, mahina ang daloy ng mga ilog. Mahina ang ikot ng mga generator kaya hihina ang kuryente!

Kung ganun na nga ang estado ng klima ngayon, na ayon nga sa kanila ay sasama pa, ngayon pa lang ay dapat nang maghanda para sa mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Kung nasa Luzon, maghanda na para sa baha. Ang sabi nga ng isa kong panauhin ay dapat marunong lumangoy. Kung alam na magbabaha sa inyong lugar tuwing malakas ang ulan, dapat lumikas sa ibang lugar! Kung alam na gumuguho ang lupa tulad sa Litex, QC, umalis na diyan. Hindi na dapat tinitirhan ang ganyang lugar!

Kung nasa Visayas at Mindanao naman, dapat naghahanap na ang mga opisyal ng puwedeng pagkunan ng enerhiya! Hindi maganda kung laging nawawalan ng kuryente sa iyong lugar. Balakid ito sa progreso! At gawan ng paraan ang mas epektibong irigasyon para sa mga tanim. Pero sang-ayon ang lahat ng aking panauhin na hindi puwedeng gobyerno lahat, at lalong hindi puwedeng hintayin ang gobyerno ang kumilos. Kailangan tayo na mismo ang gumawa ng paraan para makaligtas sa peligro.

BALAKID

HABAGAT

KABALIKTARAN

KAILANGAN

KATULAD

KUNG

LUZON

MINDANAO

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with