Overtime pay sa CIQ personnel
INIHAIN ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang Resolution 862 na nagpapaimbestiga sa pagpapatigil sa paniningil sa mga airline company ng pambayad sa overtime ng customs, immigration and quarantine (CIQ) personnel na nagseserbisyo sa kanila sa mga international airport.
Noong Hulyo 31, 2012, inirekomenda ng Department of Finance ang discontinuance dahil ang paniningil sa airline companies ay nakasasama sa turismo at air transport business. Kasunod nito, ipinatigil ng DOTC ang paniningil at in-adopt ang 24/7 shifting schedule ng mga CIQ personnel na ang OT pay ay aakuin na lang ng pamahalaan. Pero ayon kay Jinggoy, ang discontinuance ay “…unlawful and unreasonable. The policy disregards relevant provisions of the Philippine Immigration Act, Tariff and Customs Code of the Philippines, Quarantine Act of 2004 and Executive Order 292, as well as a Supreme Court decision.”
Base sa Philippine Immigration Act, “…immigration employees may be assigned by the Commissioner to do overtime work… when the service rendered is to be paid for by the shipping companies and airlines or other persons served.” Ayon kay Jinggoy, kailangang tiyakin sa usaping ito ang pagsunod sa batas gayundin ang “fair and just compensation” sa mga CIQ personnel.
Sinabi naman ng Supreme Court na ang OT pay ay hindi dapat balikatin ng pamahalaan mula sa buwis na kinukulekta kahit sa mga taong ni hindi naman sumasakay ng eroplano. Iginiit din ng mga kawani ng Bureau of Immigration na mula pa noong 1950s ipinatutupad na ang paniningil sa airline companies at hindi ito nagdudulot ng anumang negatibong epekto sa turismo at mismong si President Aquino nga ang nagsabing lumalakas ang industriya ng turismo sa bansa.
* * *
Happy b-day: Reps. Maria Isabelle Climaco ng Zamboanga City 1st District (Sept. 7); at Anthony Rolando Golez Jr. ng Bacolod City at Elmer Panotes ng Camarines Norte 2nd District (Sept. 9).
- Latest
- Trending