^

PSN Opinyon

Sa bayang nilisan

PILANTIK - Dadong Matinik - The Philippine Star

Dahil malayo na sa dating tahanan

miss na miss ko na mga kapitbahay;

Mga kabarkada’t mga kaibigan

hinahanap-hanap sa gabi at araw!

Sampaguita Village, San Pedro, Laguna

tatlumpong taon nang doo’y nakatira;

Yao’y low cost housing na aking nakuha

La Paz at GSIS naging kakontrata!

Labinlimang taong hinulug-hulugan

bago naging akin ang lupa at bahay;

Si misis at ako’y doon nanirahan

ang apat kong anak naging propesyunal!

Nalipatang bahay sa Lunsod ng Taguig

ay maayos naman at hindi nagtubig

Ang baha at bagyo sa ami’y lumihis

ang bayang iniwan ay nasok sa isip

Bayan ng San Pedro’y malapit sa dagat

ang tabing aplaya binabaha agad;

Si Mayor Cataquiz at mga kaanak

tiyak na tutulong sa mga lilikas!

Kaya nang magdaan habagat at baha

mga kababayan agad nagunita;

Sila kaya’y hindi apektadong lubha

ng baha at bagyong lubhang naminsala?

Kaya ang dasal ko – si Mayor Cataquiz

dapat ay malakas saka walang sakit;

Mga kababayang nasa sa panganib

kanyang matulungan ng taos sa dibdib!

At batid kong yao’y kanyang ginagawa

nang ako’y tumawag alam kong may baha;

Di ko nakausap at nangangasiwa

relief operations sa mga binaha!

Nang ang tawagan ko’y si Mrs. Cataquiz

di rin nakausap sapagka’t aalis;

Siya’y magdadala de-lata at sandwich

sa mga biktima ng bahang maputik!

Nalubog sa bahang mga kababayan

hindi matitiis ng pamilyang iyan;

Lahat ng salanta ay tinutulungan

pagka’t tunay silang pag-asa ng bayan!

vuukle comment

BAYAN

KAYA

LA PAZ

MAYOR CATAQUIZ

MRS. CATAQUIZ

SAMPAGUITA VILLAGE

SAN PEDRO

SI MAYOR CATAQUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with