'Tibo tinalo'
Gupit lalaki, hinuhukot ang tindig para lumubog—iniisip na mapipigil nito ang pagbukol at paglaki ng kanyang suso.
Pitong taong gulang pa lang, ikinukubli na ni “Rica”(‘di tunay na pangalan) ng Lower Bicutan Taguig City ang kanyang pagiging babae.
Hindi niya naisip na sa punto ngayong 19 anyos na siya’y may panibago na naman siyang kailangang itago.
Linggo ng gabi—alas 5 ng Hulyo 22, 2012, nakatanggap ng text mula sa kaibigang si Myra si “Rica”. Niyaya siya na may painom daw ang kaibigang si JR dahil kaarawan nito. Kasama ang pinsan ni “Rica” na si Raymond, pumunta sila sa C6 Videoke Bar dahil “Babaha raw ng alak”.
Pagdating nila, nadatnan nila sina JR at ang girlfriend nitong si Jehan. Di magkamayaw sa kamustahan ang magkakaibigan.
Nangangalahating oras nang nagkakwentuhan pero wala pa ring nagpaparamdam kung sino ang tataya sa inuman.
Ikinayamot ito ni Rica at tumayo sa upuan, “Kala ko ba maraming alak? Kung wala, uuwi na lang ako,” sabi ni Rica.
Isang lalaking nakaupo sa kabilang mesa ang biglang sumabad na siya daw ang bibili ng alak ‘wag lang siya umalis. Nagulat si Rica dahil hindi naman niya ito kilala.
Nakilalang si Kimber Lozada—22 na taong gulang ng New Lower Bicutan Taguig City at nagtatrabaho sa isang palaisdaan ito. Tinotoo nga dahil ilang sandali, bumalik itong bitbit ang isang long neck na Emperador Lights.
“Hala Rica kursunada ka yata,” panunuya ni Mayra.
“Yuck! Eh mas guwapo pa ‘ko do’n! Baka ikaw!,” sabi ni Rica.
“Hala bakit ako!?,” buwisit na sinabi ni Myra.
“Ay oo nga pala, wala ka nga palang mukha!,” biro ni Rica. Sinimulang iikot ang tagay kasabay ng mga hulog ng limang pisong barya sa videoke. Napapansin ni Rica mula sa gilid ng kanyang mata na nakatitig sa kanyang direksyon si Kimber.
Nagpabarya pa ito ng marami at tumabi kay Rica. Habang kumakanta, tumunog ang cellphone ni Rica. “Nagtext girlfriend ko,” sabi niya kay Kimber.
“Mamaya na yan, marami pang barya kanta ka lang” sabi ni Kimber.
Sinagot ni Rica na ayos na siya at huwag na itong magbigay pa, “Baka mamaya may kapalit yan,” sabi niya.
Makulit na raw si Kimber kaya nagpabili na lang siya ng softdrink para matagil.
Agad namang pumayag si Kimber at umalis sila ng bar. Habang naglalakad, umakbay si Kimber kay Rica.
Wala umano kay Rica ito dahil ‘tropa’ na ang tingin niya dito.
“Ano ba, pwede ba kasing manligaw sa’yo?,”tanong ni Kimber.
Naumay si Rica sa narinig at bumuwelo ng kalas sa pagkakaakbay ni Kimber.
Tinigasan niya ang boses at nagsabi, “Tol, hindi tayo talo. Kaysa ginagastos mo sa’min yang pera mo, dapat sa pamilya mo na lang”.
“May anak ako isa, pero hiwalay na ko sa asawa,” sagot nito.
“Eh ‘di maghanap ka na lang ng ibang babae diyan!,”
“Ayaw ko! Ikaw nga ang gusto ko!”
Sa halip na masuka si Rica sa hilo, mas bumaligtad ang sikmura niya sa sinabi ni Kimber. “Ako?!,” parang nakanguya ng mapakla na tanong ni Rica. “Eh t@#$-ina! Mas gwapo pa ko sa’yo eh!?,” natatawang hinirit nito habang pinipitik-pitik ang ilong sabay hawi sa bangs.
Nung makabili sila nagpasama naman si Kimber na kumain. Pumayag si Rica at nagtuloy sila ng lakad sa papalayong direksyon.
Sa apat na karinderyang nadaanan, wala silang hinintuan hanggang makarating sila sa isang bahay. Dalawang mag-asawa umano ang nadatnan nila sa loob.
Naupo si Rica sa papag. Napipikit-pikit na siya habang naghihintay. Mistulang mabagal na tsubibo ang ikot ng paligid sa paningin ni Rica. Unti-unti, bumigay siya sa antok kaya’t siya’y humiga.
Ilang sandali, nakarinig siya ng ‘click!’ mula sa kandado ng upuan. Napabalikwas si Rica, “Bakit mo kinandado ang pinto!?”
Agad sumugod sa kanya si Kimber at umibabaw sa kanya. Mabigat ang pagkakadagan nito sa kanya. “Huwag! Ayaw ko!,” palag ni Rica.
“Saglit lang ‘to,” sabi nito habang ipinako niya ang palad niya sa kanyang braso. “Tulungan niyo ko!” sigaw ni Rica.
“’Wag kang maingay,” sabay tinakpan ni Kimber ng kanyang palad ang bibig ni Rica habang abala ang kabila na hinuhubad ang shorts nito.
Iginapang ang kanyang kamay paloob ng panty ni Rica sabay hila nito pababa. Nililis nito ang kanyang suot na t-shirt.
Tumambad kay Kimber ang kanyang dibdib at lalo itong nagmadali magtanggal ng shorts. Gigil na itinutok nito ang naghuhumindig niyang ari.
“Dahan-dahan lang ako,” sabi umano ni Kimber. Dinunggol-dunggol ni Kimber, siniksik hanggang sa mapagkasya ito sa loob niya.
Bawat pasok at labas, namumuo ang palahaw sa kanyang bibig. Kala mo may saping napapikit si Kimber kaya’t tinyempuhan ni Rica ng tadyak.
Nahulog sa papag si Kimber at sinabayan ng bangon ni Rica. Agad niyang hinablot ang shorts niya at sinuot. Hindi na nahanap ang kanyang panty.
Tumakbo ng tumakbo si Rica habang mabilis niyang pinapunasan ang luha niya. Nais ni Rica na mabigyan ng hustisya ang nangyari.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang kwentong ito ni Rica.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ‘responsible parenthoood’ o mga magulang na mapagbantay sa kanilang mga babaeng mga anak ang dapat sanang pinatupad para hindi na umabot sa ganitong masaklap na sitwasyon.
Kadalasan kapag rape, ang biktima at ang suspek lamang ang nandoon. Bihira na nangyayari ito sa harap ng maraming tao, liban kung ito’y ‘gang rape’. Mabigat ang testimonya ng isang biktima at ito’y binibigyang timbang ng isang huwes sapagkat walang babae nais makaladkad ang kanyang pangalan, malait ang kanyang pagkatao at makatanggap ng mga batikos na “ginusto mo yan, kaya ka na-rape”. Ang umupo sa isang ‘witness stand’ at hilingin na isalaysay muli ang nangyari, ma-‘cross examine’ o kontrahin ng abogado ng depensa, ay higit pang nakadaragdag na pasakit sa kanya. Ang matibay na ebidensya ay ang ‘medical examination report’ na nagpapatunay na nagkaroon nga ng pagtatalik (pinuwersa o hindi) dahil nakitaan ng ‘penetration’ at ‘lacerations’ sa kanyang ‘vagina’. Ang depensa ng inaakusahan ay kadalasang ‘ginusto nilang pareho’(consentual sex) kaya’t walang rape na nangyari. “Pinipikot niya ako” at “Gusto niyang pakasalan ko siya” o “Pineperahan lang ako niyan”, ay puro mga ‘alibi’ na kung tutuusin ay dapat talakayin sa isang malawakang paglilitis(full-blown trial).
Sa puntong sinasabing nakipag-inuman nga ang biktima sa suspek, kung minsan sa halip na maging depensa, ay maari pang gamitin upang sabihing pinlano itong lasingin para hindi makakilos at matupad ang kanyang pagnanasa. Nasisiguro ko na ang taga-usig sa kasong ito ay makikita ang lahat ng puntong aming binanggit. Sa bandang huli, siya’y isang tomboy at mas hilig niya ay ang mga babae. (KINALAP NI PAULINE F. VENTURA) Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
* * *
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest
- Trending