^

PSN Opinyon

'Iwas baha trabaho militar tayo'

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang panibagong namumuong Low Pressure Area sa Philippines my Philippines may 700 kilometers pa ang far nito sa Silangan Mindanao.

Bida ng PAGASA, kahit nasa Mindanao ang bad weather puede pa rin makaranas ng maulap at ulan ang Philippines my Philippines dahil sa hanging Habagat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang wala pang mga ganitong problema ay kailangan umpisahan ng flood control ang paglilinis ng mga imburnal, paghuhukay ng mga ilog at pag-aalis siempre ng mga ba­surang nagkalat para kahit papaano ay dumaloy ng maayos ang tubig oras na magkaroon ng malakas na ulan.

Sabi nga, trabaho na!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga informal settler nakatirik sa mga tabing ilog, malapit sa dagat ay umpisahan ng alisin at ilipat sa isang maayos na lugar para makaiwas sa panganib oras na tumaas ang tubig at lumakas din ang alon sa kanilang lugar.

Ika nga, huwag ng pakaang-kaang!

Ang mga nakatira sa mabababang lugar ay umisip ng paraan at lumapit na sa gobierno para matulungan sila upang maghanap ng lugar na paglilipatan hindi iyong kung kailan malalim ang tubig sa kanilang mga lugar saka lamang sila ililikas.

Buhay Pinoy talaga!

Sabi nga, tulungan natin ang ating mga sarili bago ang iba ang tumulong sa atin.

Abangan.

DOJ nagpatulog ng kaso

ITINATANONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano na ang nangyari sa kaso ni Kim Tae Dong, isang Korean fugitive ang nakatakas last Dec. 24, 2011, ilang araw bago siya kikilan este mali bisitahin pala ng dalawang immigration official habang ‘under hospital arrest’ sa St. Luke’s Hospital, the Fort, Taguig City.

Ang DOJ ay nag-imbestiga sa pagkawala ni Kim Tae Dong, nasaan ang resulta?

Sabi nga, ano ang nangyari?

Sino ang mga culprit sa ‘great escape’ ni Kim Tae Dong sa ospital?

Ika nga, magkano?

Nagkalagayan kaya?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Noon tumakas si Kim Tae Dong, mainit pa sa kumukulong tubig ang issue dito kaya naman nangako pa si DoJ Sec. Leila Delima na may gugulong na gulong este mali ulo pala?

Ano na ang nangyari sa mga ulong gugulong?

Nanikit kaya?

Inimbitahan pa kami ng DOJ special panel sa isinasagawang imbestigasyon noon pero si Jerry Yap, ang pangulo ng NPC noon na lamang sumipot kasama ang abogadong si atty. Toto Causing.

Itinago sa media noon ang pagtakas ni Kim Tae Dong hindi nagsalita ang spokesman ng BI tungkol sa ala-Houdini na ginawa nito dahil kahihiyan ng immigration ang nakasalalay sa ginawang pagpuga ng Koreano na ikinagalit naman ng Korean government sa Philippines my Philippines government.

 Ano ang masasabi ng mga immigration intelligence sa pagtakas ni Kim Tae Dong? Alam naman natin na may bantay ito sa ospital  dahil nga ‘under hospital arrest’ ito.

Hindi tatantanan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang issue regarding kay Kim Tae Dong dahil sabit dito ang Immigration kaya dapat may matanggal dito. Ano ang masasabi kaya nina BI Commissioner Ric David, Atty. Mangrobang, super woman ng BI at Jerome Gabionza na noon ay deputy ng Intel ng Immigration?

Abangan.

ABANGAN

ANO

BUHAY PINOY

COMMISSIONER RIC DAVID

DONG

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

IKA

KIM TAE DONG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with