^

PSN Opinyon

'Pololay, naiuwi na!'

- Tony Calvento - The Philippine Star

“BAKIT masarap ba ang ipapakain mo sa akin? Kasi kung hindi ikaw ang gagawin kong dinuguan,” tanong ni Pololay.

Ilang ulit namin inilathala sa aming pitak sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON ang panawagan sa pagkakawala ni Mariepaz “Pololay” Salvador. Isang 53 year old, ‘mentally challenged’, may taas na 5’3 at may timbang na 190 lbs. Brown ang kulay ng buhok at mata.

Sa walang sawa naming pagpa-publish ng larawan ni Pololay at impormasyon tungkol sa kanya at panawagan rin namin sa aming programa sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882 KHZ (3:00-4:00 ng hapon).

Ika-23 ng Agosto 2012, nagsadya sa amin si Gener D. Baltazar, executive officer ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City na pinamumunuan ni Kapitan Ryan Gonzales ng Mandaluyong City.

Si Gener ang nakakita kay Pololay isang maulan na gabi pagala-gala sa Sta. Lucia St. Cor. Fatima St.,Plainveiw, Mandaluyong City ika-17 ng Hulyo 2012.

“Nagradyo sa akin ang kasamahan naming tanod na si James 1 may babae daw palakadlakad sa kanyang nirorondahan kaya tinimbrehan ko siyang ‘wag papaalisin ang babae,” wika ni Gener.

Basang-basa ang duster at nakatali ng mahigpit ng ‘straw’ sa magkabilang kamay, magkadikit ang mga palad. Ganito ang itsura ni Pololay ng datnan ni Gener.

Agad nilapitan ni Gener si Pololay at tinanong kung saan siya nakatira. Sagot nito, “Cainta…”.

Sa pakikipag-usap ni Gener, napansin niyang may problema sa pag-iisip si Pololay. “Tinanong ko siya, ‘Nagugutom ka ba?’. Ang sagot niya, ‘Bakit masarap ba ang ipapakain mo sa akin? Kasi kung hindi ikaw ang gagawin kong dinuguan’. Dun ko na naisip na may problema… na baka takas siya sa mental,” wika ni Gener.

May babae ring paulit-ulit na may binabanggit si Pololay na umano’y nagbabanta at nagmamaltrato sa kanya.

Dinala si Pololay sa Mental Hospital sa Mandaluyong at dahil walang kamag-anak para ma-admit itong si Pololay magdamag na binantayan si Pololay ng mga tanod na sina Jefferson Aday at si Michael Posadas hanggang sa dumating ang ‘social welfare’ na hahawak kay Pololay.

Malaki ang pasasalamat namin dito kay Gener sa pagdala kay Polalay sa Department of Mental Health kung saan ito nararapat na maalagaan.

Nais din naming magpasalamat kay PNP Director, General Nicanor Bartolome sa pag-atas kay P/Sr. Supt Rolando Anduyan, ang head ng Rizal sa pagtulong sa paghanap dito kay Pololay at si Sr. Supt. Rodino Elfa ang hepe ng Antipolo PNP.

Ganun din ang tanggapan ni P/Dir. Sammy Pagdilao ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) at ang kanyang Executive Officer, C/Insp. Ivy Castillo sa pagkalat ng larawan nitong si Pololay upang agad siyang mahanap.

Maging si Usec. Alicia Bala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  na siyang tumulong din sa paghahanap kay Pololay. Maraming Salamat at sa aking kasamahan sa Media na sina Korina Sanchez at Mike Enriquez at Arnold Clavio para maipa-alam sa taong bayan ang pagkawala ni Pololay.

Pinuntahan ni Ferdie Salvador, isang kagawad sa Maynila ang National Mental Health at matapos na magpakilala na pinsan niya si Pololay, ginalugod niya ang buong kapaligiran at natagpuan itong si Pololay na nasa maayos namang kundisyon.

Sa ngayon inuwi na si Pololay sa kanilang bahay at todo bantay at alaga ang kanyang mga kamag-anak para hindi na ito gumala at mawala pang muli.

Ang mga katulad ni Gener ay binibigyang papuri sa pagtulong sa kapwa lalo na sa kagaya ni Pololay na isang ‘mentally challenged’ na kailangan ng tamang pangangalaga at atensiyon.

Malaki ang ikagagaling nitong si Pololay kapag nakasama na niya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Gracie para mailagay siya sa isang ‘center’ kung saan maaari siyang makapag-interact sa mga ibang tao at maalagaan siya ng mga doctor at ‘social workers’ na dalubhasa sa ganitong karamdaman.

(KINALAP NG REPORTORIAL TEAM NG CALVENTO FILES)

SA GUSTONG DUMULOG ang aming numero 09213263166/ 09198972854. Ang aming landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Maari din kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes-Biyernes.

Ugaliing makinig ng “CALVENTO FILES” sa radyo, “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ tuwing 3:00 - 4:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado 11:00 am - 12:00 nn.

Pwede niyo rin kaming maging friend sa facebook, I-add lamang ang calvento files/hustisya para sa lahat, Maari din kayong mag-email sa amin para sa inyong problemang legal sa [email protected]

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ALICIA BALA

GENER

KAY

LSQUO

MANDALUYONG CITY

PARA

POLOLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with