^

PSN Opinyon

Kanino po kami pupunta?

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

NGAYON ang huling yugto sa ika-6 na kabanata ng ebanghelyo ayon kay Juan na tumalakay sa himala ni Hesus nang pakainin Niya ang maraming Judio na sumunod sa Kanya sa ilang noong sila’y magutom. Tuwang-tuwa ang lahat sapagkat pawang kagandahan ng buhay ang kanilang nadama sa pagsunod at pakikinig sa Kanyang aral. Nabighani ang mga Judio sa pagpaparami ng tinapay at isda at nabusog ang lahat, subalit nang simulan ni Hesus ang pangangaral sa tunay na pagkain ng buhay ay nagsimula na ang kanilang pag-aalinlangan noong sabihin Niya: “Ako ang pagkaing nagbibigay buhay”.

Nagtanungan sila: “Paano maibibigay sa atin ng taong ito ang Kanyang laman upang kainin natin?” Sila’y tumalikod at hindi na sumama kay Hesus. Maging ang grupo ni Pedro ay kanyang tinanong kung ibig din ba nilang umalis. Sabi ni Pedro: “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa Iyo po ang mga Salitang nagbibigay buhay na walang hanggan.”

Ang pagpapakain ni Hesus ng Kanyang Katawan at pagpapainom ng Kanyang Dugo ay pinagtibay Niya sa Huling Hapunan. Subali’t maraming relihiyong Kristiyano ang hindi sumunod sa hapag kainan ni Hesus. Sila ay puro pangangaral ng mga Salita ng Diyos lamang at hindi nila matanggap na mismong si Hesus ang tunay na pagkain ng ating buhay. Lagi kong sinasabi sa aking homily na napakahalaga ng misa bago mesa. Kaya lahat ng mga mananampalataya sa pagkain o komunyon sa banal na Misa ay dapat laging handa at pagsisihan ang mga kasalanan upang maging karapat-dapat sa pagtanggap ng katawan at dugo ni Hesus.

Ang bunga ng banal na pagkain ay ang ating tunay na paglilingkod sa Diyos na buhay anuman ang ating lahi.

Iwasan natin ang paglilingkod sa mga diyus-diyosan na pawang mga bagay na materyal at politikal ang sinasamba at inaasahan. Tularan natin ang lahi ni Josue na nagpahayag: “Wala kaming balak na talikuran ang Panginoon at maglingkod sa mga diyus-diyosan”.

Ang isa pang bunga ng ating hapag kainan ay ang kadalisayan at kabanalan ng mag anak. Ipinaala-ala sa atin ni Pablo ang Dakilang Katotohahan: ang kaugnayan ni Hesus sa Simbahan at Tahanan. Ang paggalang kay Hesus ng mga babae ay ang pagpapasakop sa asawa. Ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa tulad ni Hesus na ulo ng simbahan. Dapat maging wagas ang pag-ibig sa kanyang asawa tulad ng pag-ibig ni Hesus sa simbahan. Kayong mag-asawa ang banal sa alagad ng Diyos!

Jos 24:1-2a15-17,18; Salmo 34; Eph 5:21-32 at Jn 6:60-69

 

vuukle comment

DAKILANG KATOTOHAHAN

DIYOS

HESUS

HULING HAPUNAN

JUDIO

KANYANG

KANYANG DUGO

KANYANG KATAWAN

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with