^

PSN Opinyon

Illegal fighting cock farm sa loob ng subdivision

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

MUKHANG wala nang katapusan ang buwenas nang magkasanggang dikit na Ferdinand “Bong” Lopez at Edwin Magdadaro pagdating sa pag-aalaga ng mga manok. Kasi nga sa kabila ng walang puknat na reklamong inihain sa kanila ng kanilang mga kapitbahay sa Villa Arca 1 Subd. sa Bgy. Baesa, Quezon City sa ingay ng tilaok, baho at hanep ng insekto ng mga manok na panabong patuloy pa rin ang kanilang masasayang araw. Maging si Chairman Eduardo Juan ng Bgy. Baesa ay di-kayang sawatain ang kanilang fighting cock farm kaya ang tingin ng homeowners kay chairman ay walang silbi. Ano ba yan Chairman Juan? Bakit naman pinababayaan mo ang hinaing ng iyong mga constituent sa Villa Arca 1 Subdivision? Masamang indikasyon iyan sa political will mo kung patuloy kang magsasawalang kibo laban kina Lopez at Magdadaro.

Dahil sa hindi pag-aksyon ni Juan sa illegal farm nina Lopez at Magdadaro napilitang irekta na ang reklamo kay Quezon City mayor Herbert “Bistik” Bautista na agad namang nagpadala ng mga Inspection Personnel mula sa City Planning and Development Office. Maganda naman ang resulta dahil lumalabas sa pag-inspection ng naturang ahensya na napatunayang lumabag nga sa Quezon City Zoning Ordinance SP-918, S-2000 ang pag-aalaga ng mga panabong na manok na sumasakop sa may halos 200 square meter na matatagpuan sa Asis corner Caina Streets, Villa Arca 1 Subd. Kasi nga ang kinatatayuan ng fighting cock farm ay nasa kate­goryang Medium Density Residential Zone (R2) kaya kahit na barangay ay hindi ito mabibigyan ng permit. Sa inspeksiyon na ginawa ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) napag-alaman na ito rin ay lumabag sa Presidential Decree 984 – The Pollution Control Law and Presidential Decree 856 – The Sanitation Code of the Philippines.

Higit sa lahat ang nasabing farm ay walang Business Permit at locational clearance mula sa Business Permits and License Office na isang violation sa City Ordinance No. SP-91, S-93 o mas kilalang Quezon City Revenue Code of 1993. Binigyan ito ng “cease and desist order” noong July 3, 2012 na inisyu ng Environmental Protection and Waste Management department (EPWMD) ngunit patuloy pa rin ang operasyon. Kaya agarang iniutos ni Mayor Bautista ang pagpapasara sa nasabing farm. Noong August 2, 2012 pinuntahan muli ito ng mga tauhan ng Business Permits and License Office at isinara ang nasabing farm sabay sa pag-isyu ng “closure order”. Ngunit panandalian lamang ang kasiyahan ng mga taga-Villa Arca Subdivision dahil tuluyan nang nilabag nina Lopez at Magdadaro ang closure order. Lalo pang dinagdagan ang dami ng mga manok na panabong. May pangil pa nga ba si Mayor Bautista laban kina Lopez at Magdadaro.

Abangan!

BAESA

BGY

BUSINESS PERMIT

BUSINESS PERMITS AND LI

LOPEZ

MAGDADARO

MAYOR BAUTISTA

QUEZON CITY

VILLA ARCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with