^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Party-list groups nararapat salain

- The Philippine Star

AYON sa Commission on Elections (Comelec), 165 party-list groups ang nag-file ng accreditation para sa 2013 elections. Ang mga grupong ito umano ay idadaan nila sa mabusising pagrerebyu. Hindi umano basta-basta ang gagawin nilang pagrerebyu sa mga organisasyon at titiyakin nila kung ang mga ito ay may track record at kung may mga mi-yembro o kinakatawan. Kapag sa pagbusisi ay wala silang nakitang katangian, agad nilang ididiskuwali-pika ang accreditation. Dadaan umano sa butas ng karayom ang mga nagnanais maging kinatawan.

Ang maganda pa sa sinabi ng Comelec, pati ang dati nang mga accredited na party-list group na umaabot sa 124 groups ay isasailalim din nila sa pagbusisi at maaaring may ma-disqualified sa mga ito dahilan para hindi sila makalahok sa 2013 elections. Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes, may karapatan silang alisin kahit ang mga accredited nang party-list kung makikitaan nila ang mga ito na hindi sumusunod sa requirements. Ayon pa sa Comelec chief mayroon silang motu propio sa ilalim ng batas kapag hindi sila sumusunod sa mga alituntunin.

Maganda kung ganito ang balak ng Comelec laban sa party-list groups. Kung mabubusisi ang mga nag-file ng accreditation, maaaring magkaroon na ng tunay na kinatawan ang mga maliliit sa lipunan. Dito na magsisimula ang pagbabago at maaaring makamtan ng mga nasa marginalized sectors ang tunay na kahulugan kung bakit mayroong party-list groups. Pagkalipas nang maraming taon mula nang unang magkaroon ng representante sa House ang maliliit ngayon lang nila ito madarama.

Ang party-list representatives ay halos kasingpantay din ng elected members ng House. Mayroon siyang kaparehong karapatan, suweldo, pork barrel at iba pa na walang ipinagkaiba sa mga mambabatas.. Magsisilbi ang party-list representative sa loob ng tatlong consecutive terms.

Marami sa mga botante ang halos walang nalalaman sa party-list. Ano ba ito? Talaga bang nairere- presenta nila ang kanilang mga miyembro? O sila lang ang nakikinabang at kapag nasa puwesto na ay walang gagawin kundi magpalaki ng “yagbols”.

Busisiin din naman ng Comelec ang mga party-list representative na umano’y nakaririwasa sa buhay. May maraming negosyo, bahay, sasakyan at iba pa. Hindi sila nararapat sa puwesto.

ANO

AYON

BUSISIIN

COMELEC

DADAAN

DITO

LIST

PARTY

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with