'Extradition treaty'
Nababahala ang BITAG sa pagdami ng mga indibidwal na takas sa batas at ginagawang taguan o safe haven ang Pilipinas.
Sa muling pagbisita ng BITAG sa Northern California, tinutukan namin hindi lamang ang mga Pinoy U.S. Cops ngunit maging ang kasong kinasasangkutan ng ilan nating mga kababayang Pinoy.
Ilan sa mga kasong ito ang may sintensyang panghabambuhay na pagkakabilanggo. Subalit nagagawa nilang takasan at pagtaguan ang kanilang pagkakasala dito sa ating bansa.
Nakikita ng BITAG ang kahinaan ng umiiral na Extradition Treaty.
Dahil ang karaniwang ini-extradite ay iyong mga personalidad na sangkot sa mga kontrobersyal na kaso.
Sa kaso ng mga takas na indibidwal na sangkot sa mga kasong tulad ng embezzlement o ‘yung mga sex offenders, madali lamang lusutan ang gusot na kanilang kinasangkutan.
Sa pamamagitan ng pag-aaply ng dual citizenship, malaya nang makagagalaw ang isang wanted na personalidad sa bansang kanyang pinagtataguan, tulad ng Pilipinas.
Abangan ang malalimang pagsisiyasat ng BITAG sa mga Pinoy sa Amerika na ginagawang takbuhan ang Pilipinas para takasan ang kanilang asunto, ang gray areas ng umiiral na Extradition Treaty at mga posibleng pag-amyenda sa batas para mabigyang proteksyon ang publiko laban sa mga takas sa batas… Sa Extreme BITAG Live sa UNTV 37 at BITAG sa TV5.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest
- Trending